Nash Aguas, ipinakita ang kanyang bagong bahay sa Las Vegas, U.S.A.

Isang napakalaking milyahe para sa isang batang lalaki na magkaroon ng sariling bahay. Si Nash Aguas ay isang Filipino actor, singer, at model. Sa kanyang murang edad na 20-taon, kanyang ipinagmalaki ang kanyang sariling pribadong estado sapagkat ito’y isang dream come true para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

Finally, this house is officially and legally mine!!!! Thank You po! 🙏🏻☝🏻

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on


Ipinost niya sa Instagram, isang sikat na social media app, ang imahe sa tapat ng kanyang bahay sa Las Vegas, Nevada. Kanya itong ipinagmamalaki sapagkat siya ang nagmamayari ng isang bahay.
“Finally, this house is officially and legally mine!!!!

Thank you po,” sabi ni Nash sa kanyang post.

Si Nash Aguas ay isang 20-taong gulang na aktor sa Pilipino na gumanap sa maraming teleserye. Nakilala siya ng dakila noong 2005 na kung saan lumabas siya sa isang tv-series na tinatawag na Goin Bulilit.

 

View this post on Instagram

 

7 p m

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on


Isa itong comedy show na kung saan nagpapakita ito ng mga batang sa iba’t ibang nakakatawang situwasyon. Siya rin ang nag dubbed ng isang main character na si Joey Jones sa isang anime series na pinamagatang Heroman.

Sumikat rin siya sa pagiging cast ng isang sikat na sitcom na teleserye sa ABS-CBN, na pinamagatang Luv-u, at isang drama series tuwing hapon, ang Doble Kara.

 

View this post on Instagram

 

Blackbumblebee happy easter!

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on


Nagkaroon din siya ng ilang parangal sa kanyang showbiz career. Noong taong 2006, siya ang nagwagi sa Metro Manila Film Festival bilang Best Child Performer sa isang sikat na horror na pelikula na Shake, Rattle & Roll 8. Sa sumunod na taon, siya rin ang nanalo bilang Best Child Performer sa pelikulang Shake, Rattle & Roll noong 2007.

Noong 2010 naman, isa siya sa mga nominado bilang Best Child Actor sa 58th FAMAS Awards. Sa kasamaang-palad, hindi siya ang nagwagi sa nasabing titulo. Taong 2013 naman ay nominado siya muli bilang Best Child Actor sa 61st FAMAS Awards ngunit hindi muli nagwagi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on


Ang pagkakaroon nya ng bahay sa ibang bansa ay naging viral sa social media at natuklasan ito ng mga netizens. Kahit ang kanyang kasintahan na si Mika dela Cruz ay bumati sa kanya sa kabila ng kanyang pinaghirapan. Bumunga naman ito ng malaking bagay at kanya itong ikinatutuwa.


“Ngiting tagumpay! Happy for you love!!” Sabi ng kanyang kasintahan na si Mika dela Cruz.
Sa edad 20, may sariling restaurant si Nash Aguas dito sa Pilipinas. Bukod sa pagiging aktor, pinagtutunguhan niya rin ng pansin ang pagiging isang direktor.

 

View this post on Instagram

 

The time when we attended kuya Shane and Ate Sholen’s wedding :] @shanesharry 12-8-18

A post shared by Aeign Zackrey Nash Aguas (@zackwey) on



Nagsimula ang showbiz career ni Nash Aguas noong 2004 nang matuklasan siya ng talento sa Star Circle Quest Kids Edition noong panahong naghahanap ito ng mga talentadong Pilipino. Dito nag simula ang career ng isang 20-taong binata na si Nash Aguas.