Loisa Andalio, nagulat sa hinanda ni Ronnie Alonte na birthday celebration para sa kanya na may kasama pang live band

Dating PBB housemate na si Loisa Andalio ay nagdiwang para sa kanyang ika-20 kaarawan na naganap noong Abril 21,2019. Ang kanyang kaarawan ay hindi naging normal kundi naging espesyal na araw para sa kanya. Pinuntahan siya ng kanyang kasintahan na si Ronnie Alonte upang bigyang surpresa ang kanyang girlfriend.

 

View this post on Instagram

 

Thank you ng sobra sayo beh para sa lahat, I love you very much! ❤️😭 always and forever.

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on


“Di ako ganitong tao! pero Para sayo gagawin ko sumaya ka lang!! Happy birthday sa pinaka mamahal kong babae bukod sa nanay ko!,” pinagmalaking sinabi ni Ronnie. Ipinost ni Loisa sa Instagram isang social media app ang pag surpresa ng kanyang boyfriend sa kanyang kaarawan.

“Thank you ng sobra sayo beh para sa lahat, I love you very much! always and forever.” Sagot ni Loisa kay Ronnie.

Tuluyang natuwa ang mga netizen sa naganap sapagkat ito’y tinuring nilang espesyal na pangyayari. Pinuri ng mga supporters si Ronnie sa pagiging masikap at mabuting boyfriend sa kabila ng lahat ng pangyayaring kumalat na video sc@nd@l.

Sinuportahan ng mga fans ang nangyari at tinuring na isang “kilig moment”.

“Iba rin ang ronnie alonte npka sweet nila kilig”
“thank u ronnie talagang mahal n mahal mo tlaga c bb loisa”
“Loisa ang pagsubok ay hindi maiiwasan you need to be strong always and prayer always kailangan positive sa buhay happy birthday I hope kayo na ronnie forever huwag panghinaan ng loob god bless u always”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on


Ayun ang naging tugon ng mga netizens matapos makita ang posted picture ni Loisa sa Instagram.
Patuloy na nakikitungo si Loisa sa kumalat na naganap na video sc@nd@l na naging kontr0bersyal.

Mapalad na pinasasalamatan ni Loisa si Ronnie sa pagiging supportive sa kanilang relasyon. Nanatiling sweet at malakas ang kanilang relasyon sa kabila ng lahat na nangyari.

Dahil dito, mas lalong lumakas ang paninindigan ng magkasintahan sa isa’t isa at ng mga supporters sa kanilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on


Si Loisa Andalio ay sumikat sa showbiz sa pagsali sa Pinoy Big Brother. Bago pa man magkaroon ng relasyon kay Ronnie Alonte, Si Loisa ay nililink sa dating PBB housemate na si Joshua Garcia noong sila pa man ay nasa PBB house. Sila ang dating kinagigiliwan ng mga netizen sapagkat sila ang dating “magkasintahan” sa bahay ni kuya. Sa ngayon, si Julia Baretto ang kasalukuyang girlfriend ni Joshua Garcia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on


Masayang ipinagdiwang ni Loisa Andalio ang kaniyang kaarawan na kasama si Ronnie Alonte sapagkat kasama niya ang kanyang pinakamamahal sa buhay. Nagpapasalamat ng marami si Loisa sa kanyang boyfriend na nanatiling andiyan sa kanyang tabi lalo na ang kanyang mga fans.