Lakas ng epekto ng Magnitude 6.5 lindol sa Samar, kitang kita sa CCTV ng isang Pharmacy doon

Hindi nga natin malalaman ang takdang oras kung kailan nga ba mangyayari ang anumang pangan!b o kalamidad lalo na ang lindol. Bagamat marami na ang paalala tungkol dito lalo na ang The Big One, mahirap pa ring harapin ito lalo na kapag nasa sitwasyon ka na.

April 23, 2019 ay niyanig ng Magnitude 6.5 na lindol ang Northern Samar. Marami ang naapektuhan nito at isa na rito ang kuhang kuha sa CCTV ng isang pharmacy.

Credit: ABS CBN News Facebook

Nakuhanan ito ni Anabelle Bautista, ang may-ari ng nasabing pharmacy. Makikita sa CCTV ang lakas ng pagyanig dahil maging ang mga paninda ay naalog at nagsihulog pa.

Narito ang caption ng naturang video:

“TINGNAN: Kita sa kuhang ito ng CCTV camera sa isang pharmacy sa Northern Samar ang pagyanig sa kasagsagan ng magnitude 6.5 na lindol.

Ayon kay Anabelle Bautista na may-ari ng tindahan, ligtas ang mga customer at mga empleyado. #VisayasQuake | via Bayan Mo, Ipatrol Mo”

Kahapon lamang ay nagkaroon na rin ng lindol sa Luzon, partikular na sa Zambales at Pampanga. Naapektuhan ang bayan ng Lubao at Porac na kung saan may dalawang katao na maglola ang nasaw! dahil nadaganan ng pader sa Lubao. Habang isang supermarket naman ang gumuho sa Porac at may mga natabunan at kasalukuyan pa din ang rescue operations.

Credit: ABS CBN News Facebook

Gayunpaman, nilinaw na ng PHIVOLCS na hindi magkaugnay ang dalawang lindol na ito. Pinapayuhan ang bawat isa na maghanda at maging alerto sa anumang oras.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“Ngayon na may nngyayai..saka kayu mgka concern??saka tayo mgka abala?…saka tayo mabanggit “lord keep us safe”…sana araw arawin natin ipagdasal kahit n wala mang mangyari…kasi paraan yan ng may kapal..n ipaalala..na marami ng hindi sa mundo..puro kayo dasal..pg may mngyari eh…haiii godbless”

Credit: ABS CBN News Facebook

“Mahirap at mayaman pantay paglindol na umatake bigla bigla nlang dumating…nkita ko mga reaction mga tao ang narinig ko tinatawag nla si god mama mommy nanay iba iba narinig ko salita ang mga bisaya hndi na nagtagalog..sari saring salita naririnig…kc ako bisaya natawa ako pag naalla ko narinig…”

“Mag dasal po sana tau lahat at sa mga nag tuturo po ng earthquake drill sana naman po biglahin nyo sila para alam nila gagawin nila gaya neto biglahan hnd nila na apply un duck cover etc”

Credit: ABS CBN News Facebook

“Lord ..Please save us and guide us always.Pray for our us ..In Jesus Name ..Amen”

“Maraming tao ang di alam kng ano gagawin sa oras na may lindol… imbis na lumabas ay ngstay lang sa loob yung iba..”