Janella Salvador, inamin ang totoo tungkol sa di umano’y relasyon nila ni Marco Gumabao

Si Janella Salvador ay isang aktres at mang-aawit. Nagsimula ang kaniyang acting career sa ilalim ng ABS-CBN network sa dating hit drama na pinamagatang “Be Careful With My Heart” kasama sila Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ang ilan pang mga palabas na ginanapan ni Janella Salvador ay ang mga palabas na pinamagatang “Oh My G!”, “Haunted Mansion”, “Born for You”, at “So Connected”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador 💕 JMDS Lovers (@jmdsloversofficial) on


Maaalala naman na noong nakaraang taon ay umamin ang aktres na ito sa di umanong pisikal na pang-aabuso sa kaniya ng aktor na si Elmo Magalona na dati niyang karelasyon. Matapos naman ang isyu na ito, kumalat naman ang mga litrato kung saan makikita si Janella Salvador at ang aktor na si Marco Gumabao na magkasama.

Matapos ang matagal na panahon ng pananahimik ukol sa mga litratong ito at sabi-sabi na sila naman ang magkarelasyon, nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Janella Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador 💕 JMDS Lovers (@jmdsloversofficial) on


Sa isang episode ng ABS-CBN late night talk show na “Tonight With Boy Abunda”, kinumpirma ni Janella Salvador na hindi totoo ang mga sabi-sabi na silang dalawa nila Marco Gumabao ay nasa isang relasyon. Sabi niya na hindi naman sila naging magboyfriend at girlfriend.

“Lie, it’s not binasted” ika ng aktres. Di umano’y mutual na desisyon mula sa dalawang aktor at aktres ang nagtapos ng kanilang pagkikita. “We were just friends. We were getting to know each other… Wala pa kami doon [but] people started assuming already. So wala, we just talked about it and decided to end things,” sabi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco) on


Madami namang mga netizens sa iba’t-ibang social media websites ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at opinyon ukol sa naging rebelasyon ng aktres na si Janella Salvador. Ito ang ilan lamang sa mga comments na iniwan ng mga netizens ukol sa interview na ito sa palabas na “Tonight With Boy Abunda”.

“Maraming nagkakagusto sayo Janella. Piliin mo maigi yung tamang guy next time.”
“Sayang naman! Sabagay oa naman sila. Let us just respect her decision. Halata naman na di pa siya handa sa bagong relasyon.”
“Stay strong our queen! Always choose the best guy next time ok?”
“more blessing for you (:”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador 💕 JMDS Lovers (@jmdsloversofficial) on


“Nothing wrong living independently: it’s freedom.”
“What doesnt kill you makes you stronger..keep going on janella..”
“Be you this time janella huwag muna magpadalos dalos sayang matalino kapa naman Carrier first before love life bata kapa marami kapang ma- achieve in life”