Vice Ganda, gustong tularan ang Japanese na nagpa-aral sa kanya noon kahit hindi nya pa ito nakikilala ng personal

Kamakailan lamang noong inihayag ng comedian at host na si Vice Ganda na isang Japanese ang nagbayad ng kaniyang pang-aral mula noong siya ay elementarya hanggang sa kolehiyo. Sa isang episode ng noontime variety show na “It’s Showtime”, ibinahagi ni Vice Ganda na kahit hindi niya nakilala ng personal ang Japanese national na ito, palagi niya itong sinusulatan dahil sa galak at pagpapasalamat sa kabutihang loob na mayroon ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on


Hanggang ngayon ay hindi pa din matukoy ni Vice Ganda kung saan nagmula ang butihing Japanese na ito, ngunit hindi niya maipagkakait kung gaano kahalaga ang naging papel nito sa kaniyang buhay. Ngayon na si Vice Ganda ay nakaraos na sa kahirapan, siya naman daw ang magbibigay sa mga nangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on


“Ang sarap po talagang makatanggap ng tulong, alam ko yan. Dahil nagdaan ako sa ganyang estado ng buhay – yung kailangan na kailangan ko ng tulong… Ako po ay nakapag-aral dahil mayroong isang tao na hindi ko nakilala, may isang hapon na nagpa-aral sa akin mula elementary hanggang college… Gusto kong magpasalamat sa kaniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on


Gusto kong malaman niya na ako yung paslit na pinag-aral niya noon. May nangyaring maganda sa buhay ko dahil sa tulong niya sa akin “Kaya ngayon, ako naman ang may kakayahang tumulong, ako naman ang magpapa-aral sa mga deserving na makapag-aral… Kasi kailangan natin yun…” sabi ng komedyante sa palabas na It’s Showtime.

Dagdag pa ni Vice Ganda na kung magkataon man na kailanganin ng tulong ng Japanese national na ito, hindi magdadalawang-isip ang komedyante na maging bukas-palad at tumulong katulad ng pagtulong nito sa kaniya. Ang video clip na ito ay nakapost naman sa video sharing website na YouTube sa ilalim ng official account ng ABS-CBN Entertainment. Mayroon itong 136,497 views. Ito naman ang ilan sa mga comments ng mga netizens ukol sa pangyayaring ito sa buhay ni Vice Ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on


“Bakit ang galing niyo po? 😍😍 Pwede ka meme magturo sa Values Educational”
“Ang GANDA ” ng mga MENSAHE” ni VICE GANDA” Kapulot-pulot ng ARAL” Mabuhay Ka Vice & Your Family Jan sa Showtime 👍👍👍👍👍🤗😘😘🤗
“Yong pagka sabi ni meme vice sa address ,akala ko joke.hahhahahaha.. Ang haba.😂😂.. God bless meme vice ,we love you”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on


“Ma hahanap mo yan meme, if buhay pa siya, tiwala lang po🤗
“Vice: sa sobrang pagbibigay natin ang tao di natututo, “if you love the person don’t just give them a fish, teach them how to fish” 👏🏻👏🏻👏🏻
“Meme puntahan mo sya sa address niya sa kyoto japan baka May nakakilla sa knya Goodluck sau meme”