Andi Eigenmann, ipinaliwanag kung bakit sya nakapag surf pa rin kahit na buntis

Ang pagbubuntis ay isa nga naman sa napaka delikadong bahagi ng buhay ng isang ina. Hindi lamang isang buhay kundi dalawang buhay ang nakasalalay dito. Kaya naman, nararapat lamang na bigyan ng doble ingat at pag-aalaga upang masigurado ang kapakanan ng anak at ng mismong ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on


Sa isang post ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram, makikita doon na masayang masaya siya sa pagsusurf kasama ang kanyang partner na isa ding professional surfer.

Napakasaya nga naman ni Andi at nakakahangang makita ang katapangan niya dito. Siyempre, doble ingat din naman si Andi dito.

“Another day in paradise.☀️ #25weeks Note: I surf with (just enough) knowledge of what I am doing, with my doctor’s permission, and with a professional surfer (@chepoxz) guiding me and making sure that the baby and I are ok,” saad ni Andi.


Bagamat delikado, nilinaw naman ito ni Andi na may permiso siya sa kanyang doktor at syempre may gabay din ng kanyang partner.


Marami ang humanga sa kanyang katapangan at ka astigan sa paggawa nito. Pero mayroon pa rin namang ibang mga netizens na tila hindi nagustuhan ito at tila na disappoint.

Ito naman ang sagot ni Andi sa kanila:

“It’s my personal choice of exercise but doesn’t mean that its ok for every other pregnant lady to do this. Every person and every body is different. baby’s to all!.”

Samantala, supprtado pa rin naman ng ibang mga netizens si Andi ukol dito. Narito ang kanilang mga samu’t saring mga komento.

“Haha nakaka takot tlga nga un dahil kahit malayu ka sa mga Tao sismusa wl ka prin takas sa mga Tao sismusa pakialamera sa bohay ng my bohay dahil dito sa fb mas malapit at mas mandate pakialamera at sismusa Mapanera at saw saw pti”


“Hayyyyy dami pakialamira bakit sainyo ba humihingi ung tao para mabuhay at sasabihan ng magpakananay?? Aba Hindi kayo inaabala ng tao para husgahan nyo na lang ng ganun wala naman masama sa ginagawa nya!!”

“Dami paki alamera, May permission n nga sa doctor nia oh, tpos professional pa sia… oh d bah, d nia ilalagay sa kapahamakan ang bby nia kng alam nyang d nia kaya….
Karamihan sa bashers dto nka freedata🤣🤣🤣

“Walang masamang sa ginagawa nya grabe ka naman kung mkacomment ikaw ba yung nanay…sya lang ang pwedeng mgdecide sa buhay nya…bkit sino kba sa buhay nya,alam nya ang mabuti at masama nasa knya ang lahat kya wag kang mgmagaling.”