Stephen ng “It’s Showtime”, naging contestant na din pala noon sa Wowowin bago madiscover

Maaalala na ang komedyanteng si Vice Ganda ang nagdala sa kasikatan ng “It’s Showtime” dancer na si Jackque Gonzaga o kaniyang binansagan na si “Ate Girl”. Ngayon naman, salamat ulit kay Vice Ganda at pati na din kay Jhong Hilario na sumikat ang isa pang dancer ng parehong palabas.

 

View this post on Instagram

 

M o o d 👄: @jandjbeautycare cheek & lip tint w/ the shade of •Cherry Red•

A post shared by Steph Robles ✨ (@showtimestephanie) on


Ang dancer na ito naman ay si Stephanie Robles, kung tawagin ni Vice Ganda ay “Steph” dahil, ayon sa kwento ng komedyante, ang dancer na si Stephanie ay isang bading na minsan nang nakita ni Vice Ganda sa isang gay pageant sa Quiapo kung saan siya ay tinatawag na “Steph Jr.”

Dahil dito, hindi lang si Jhong Hilario ang tunay na nagimbala ni Vice Ganda kundi pati na din ang madlang people at mga netizens na sumusubaybay sa palabas ukol sa tunay na kasarian ng dancer na ito.

 

View this post on Instagram

 

Damn girl, damn girl 💃🏻🎶🎵

A post shared by Steph Robles ✨ (@showtimestephanie) on


Ngayon naman, isang lumang video na nagpapakita kay Stephanie Robles sa labas ng pagiging dancer sa noontime variety show ng ABS-CBN network na “It’s Showtime” ang nagviral. Sa video na ito sa video sharing website na YouTube makikita si Stephanie Robles bilang isang kalahok sa variety show ng GMA network na “Wowowin”.

Ang video na nagmula noong taong 2016 ay mayroong 833,338 views at 773 comments mula sa mga netizens. Sa video na ito pinapakita na nagpapaliwanag si Stephanie Robles sa show host na si Willie Revillame na halos labing-aniim na taon na niyang hindi nakikita ang kaniyang ama. Noong taong 2016 ay labing-anim na taong gulang din ang ngayo’y dancer ng “It’s Showtime”.

Mula naman sa comments makikita na madaming mga netizens ang namangha sa dalagang ito. Ito ang ilan sa mga comments ng mga netizens na nagpapakita ng kanilang paghanga kay Stephanie.

“Babae pala si Steph ..ganda”
” Ngayon confirm ko na talagang babae si stephen, ganda ganda nya, like nyo po kung inakala nyo rin talagang transgender si stephen ☺️
“So babae pala talaga sya joke lang pala yun ni ViceGanda HAHAHHAHAA”
“Yeeeheyyy babae pala c stephen.may Lt na c Ryan Bang…at kababayan ko pala cla dalawa ni Ion Perez kapampangan👏

Credit: Wowowin Youtube

“Ion & steph are both kapampangan pala… Proud kapampangan 😀😍🤗 yeah..”
“Sa mga nagduda sa kasarian ni Stephen, sorry mejo natawa ako. Hehe. Knows ko kasing girl talaga sya, nagpakilala kasi sya nung una na Stephanie, pero dahil mababa boses nya, at pinansin na maganda sya, sabi ni Vice na dati syang lalaki. Hahaha Laugh trip. Ayun, binansagan nyang Stephen si Stephanie, not knowing na ang real name pala ng father nya ay Stephen din.. Sana magkita na sila ng father nya.”