Rochelle Pangilinan, kitang kita ang saya sa pagpost nya ng before and after pregnancy pictures kasama ang asawa at cute na baby

Kahit pa maabot mo man ang lahat ng iyong pangarap sa mundo, ikaw man ay maging doktor, abogado, inhinyero o anu pa man, hindi ito makukumpleto kung hindi mo rin maaabot ang isa pang pangarap ng bawat isa sa atin. Iyan ay ang magkaroon ng masaya, kumpleto at sariling pamilya.

Sa kabila ng katiwasayan, yaman o kasikatan man, hinding hindi mo nga naman ipagpapalit ang pagkakaroon ng pamilya. Bilang mga Pilipino, kilala tayong mga Pinoy sa pagiging family centered kaya naman talagang laging kapakanan ng pamilya ang lagi nating naiisip.

 

View this post on Instagram

 

My Family ❤️ #BeforeandAfter @niceprintphoto

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on


Kaya kahit gaano pa man kasikat ang isa sa mga sikat na dancer, actress at miyembro ng dating grupo na sexbomb na si Rochelle Pangilinan, pinili pa rin muna niyang magpahinga sa industriya upang magbuntis sa kanyang first baby kay Arthur Solinap.

Matatandaang ikinasal si Rochelle kay Arthur noong August 8, 2017 sa Tagaytay City. Masayang masaya ang dalawa hanggang noong nakaraang taon ay nagkabunga na ang kanilang pagmamahalan.

Naiulat pa natin ang mga maternity shoot pictures ni Rochelle na talaga namang napakaganda. Noong February 24, naisilang na din ni Rochelle ang kanyang napaka cute na baby. Caesarian section man, nakayanan pa rin ito ni Rochelle.

 

View this post on Instagram

 

I make milk,that’s my super power , what’s yours? 😄 Thanks again so much!! @niceprintphoto 🥰

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on


Kaya sa isang IG post nya ngayon, kung sa dating maternity shoot niya ay sila lang dalawa ni Arthur. Ngayon ay kasama na nila si baby.

“My Family #BeforeandAfter @niceprintphoto,” saad ng IG post.

Napaka witty nga naman ng naisip ni Rochelle at maging mga celebrities ay tuwang tuwa dito. Kabilang na sa mga celebrities na ito ay sina Andre Torres, Manilyn Reynes, Gina Alajar, Keiko Necesario, and Betong Sumaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on


Kitang kita naman ngayon maging sa ibang mga larawan ng IG ni Rochelle kung paano siya pinapasaya ng kanyang pagiging ina. Matapos man ang lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang pagbubuntis at panganganak, napagtagumpayan niya ito kaya naman kasama na nila ang napakalusog na baby ni Rochelle at Arthur.

Narito naman ang mga reaksyon ng mga netizens ukol dito:

“Sabi ng pamangkin ko she’s 5 yrs old bakit May baby na si kuya bakla ! Sinabi ko sa kanya sinung bakla ? Si kuya bakla daw sa pepeto manaloto heheheh”

“Hoping and praying for us to be blessed with our own bundle of joy soon..”

 

View this post on Instagram

 

Such a big miracle in such a small person ❤️

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on


“Hi ms.rochelle god bless po and more health to ur family..”

“Ang cool nyan na hanggang paglaki may photos kayo na same 😍😍😍

“Beautiful and happy family….god bless idol”

“Wow!! So cute… One happy lovely family… 😊😍😍😍