Baby Malia, super talented sa pag-arte na kitang-kita sa video kasama ang nanay nyang si Pokwang

Si Marietta Subong o mas kilala sa kaniyang stage name na “Pokwang” ay mayroon nang mahabang kasaysayan pagdating sa larangan ng pag-ibig. Ang kaniyang unang asawa ay isang hapon na nakilala niya habang nagtatrabaho sa Japan.


Nagkaanak sila ngunit pumanaw naman ito dahil sa komplikasyon sa utak. Dala ng pagkawala ng kanilang anak ay ang unti-unting paglayo nila mula sa isa’t-isa. Muli naman silang nagkausap noong taong 2009 matapos ipaalam kay Pokwang na mayroong kans3r ang kaniyang hapon na asawa.


Ang pangalawa namang relasyon na pinasok ay kasama ang isang hapon na lalaki din, dito naman magmumula ang kaniyang anak na si Ria Mae. Ipinaalam din naman ni Pokwang ang kaniyang kaalaman na kasal ang lalaking ito sa isang koreana at mayroon din silang sariling pamilya. Ang kasalukuyang relasyon naman ni Pokwang ay kasama ang amerikanong aktor na si Lee O’Brian na kaniyang nakatrabaho sa pelikulang “Edsa Woolworth”.

 

View this post on Instagram

 

Taking a double shot, with daddy!! #MadameMalia #MaliaOBrian #BabyOBrian #BabyMalia #DaddysGirl #LeeOBrian

A post shared by Malia O’Brian (@malia_obrian) on


Nabuntis naman si Pokwang ngunit nakunan matapos ang tatlong linggo. Noong taong 2018 naman ay ipinanganak ni Pokwang si Malia Francine O’Brian , ang ikatlong anak niya at una sa aktor na si Lee O’Brian.

Trending naman ngayon sa social media website na Instagram si baby Malia sa mga netizens dahil sa kaniyang taglay na pagkacute at ang kaniyang viral na paggaya sa kaniyang ina sa pag-arte.

Ang video na nagpapakita nito ay nakapost naman sa official social media account ni Pokwang sa Instagram. Ang video na mayroong caption na “napaka arteeeee!!!! Husay mang gaya hahahahaahhaa” ay mayroong tumatayang 403,820 views at 475 comments mula sa mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

napaka arteeeee!!!! Husay mang gaya hahahahaahhaa

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Ito ang ilan sa mga comments ng mga netizens na nagpapakita ng kanilang pagmamahal para sa bibong bunsong anak ni Pokwang na si Malia.

“So cute”
“Ang cute mo talagang bata ka😘😘😚
“She is so adorable ❤️

 

View this post on Instagram

 

#TBT – Me making goofy face in New York, last September. That was such a fun day!! #NewYorkCity #GoofyFace #Wanderlust

A post shared by Malia O’Brian (@malia_obrian) on


“Outstanding genes from both Parents 😍from San Diego California”
“great imitators” po talaga sa ganyang age nila☺️☺️
“Ang cute at ang ganda… mama pokwang pwede na siya mag.artista magaling din like mommy…❤️❤️❤️