Sa henerasyon ng makabago at modernong teknolohiya ngayon, hindi na nga matatanggal sa sistema at bokabularyo ng mga tao lalo na ng mga millenials ang salitang “selfie”.

Saan ka man magpunta o ano man ang iyong ginagawa, ay tila kinukuhanan na nga naman ng selfie. Walang pinipiling tao o sitwasyon, basta maisip mo lamang ay libreng libre mo nga naman itong gawin.
Kunin mo lamang ang iyong cellphone. Buksan ang front camera at umpisahan na ang pag click ng iyong iba’t ibang mga pose, may selfie ka na. Iyan na nga naman ang tinatawag na uso ngayon.
Kung creative at imaginative na nga naman ang mga millenials ngayon sa pag seselfie, walang tatalo sa imahinasyon ng dalawang batang tampok sa ating istorya.

Isang Facebook user na si Minh Phương ang nagbahagi ng video ng dalawang batang babae noong April 3 na enjoy na enjoy sa pagkuha ng selfie. Wala nga naman talagang makakapigil sa kanilang dalawa sa pagkuha ng kanilang mga selfies.
Pero hindi cellphone o camera ang kanilang gamit, kundi isang tsinelas. Hindi ba’t ang lakas nga naman ng kanilang imahinasyon.
Makikita sa video na todo talaga ang pag pose nila sa kanilang improvised camera. Maging ang papundot pindot na parang may keypad ay kanilang ginagawa.

Aba’t hindi pa nag paawat sa kanilang picture na dalawang magkasama. Mayroon pa talaga silang mala “solo pictures”, sino ba naman ang hindi mabibilib sa mga batang ito.

Nakakatuwa pa na ang kanilang ginagamit ay tsinelas ng kanilang katabing bata. Kumalat na sa social media ang nasabing post, at umabot na sa halos 11 million views at 236,000 shares.
Nakakabilib nga naman sila at talagang kapansin pansin sa kanila ang malawak nilang imahinasyon. Maging ang mga netizens ay napansin ito. Pinuri din sila sa kanilang pagiging malikhain. Narito ang kanilang mga samu’t saring mga komento.
“Wow!, such a great imaginations of these two kids. ? ? ?”
“Innovative in their young and yet rich minds”
“Funny girls and enjoying selfies photo”

“Yung anak ko din po may ganyang picture gamit ang sandok hehe. Priceless ?”
“I M AGINATION. ITS WHAT IS ALL ABOUT!!!”
“It’s beyond imagination. Children can imitate anything.”
“Can be a v good actress in the future.”
“ka cute ba kaau ani nila ui ? ? ? ? ??”
“Imaginations has no limits”
Pinatunayan nga naman ng mga batang ito na walang limitasyon ang imahinasyon. Basta’t naisip mo ay maaaring maging posible.