Ken Chan, sobrang laking pasasalamat kay Rita De Guzman dahil sa regalong matagal na nyang hinahangad

Kung ang pag-reregalo ang pag-uusapan, hindi magpapahuli jan ang mga Pinoy dahil likas sa kanila ang pagiging mapagbigay. Ang iba’y magagarbong damit, kotse o gadgets ang ibinibigay. Pero kahit anupaman ang regalo, ang mahalaga ay bukal ito sa iyong loob.

Iba nga naman itong si Rita o mas kilala bilang Aubrey ng “My Special Tatay” dahil binigyan niya si Ken Chan o mas kilala bilang Boyet ng isang bibliya.

Touch na touch naman si Ken dahil dito, at kitang kita naman sa kanyang posts:

“Namiss kita Rita at sa muli nating pagkikita binigyan mo ako ng isang regalo na matagal ko nang hinahangad. Naghihintay talaga kasi ako ng isang taong magbibigay sa akin nito dahil sabi nila mas mabuti daw kung iniregalo sayo ang isang bible at ikaw yun, maraming salamat sayo, mahal kita alam mo yan!,” pahayag ng kanyang post.

Napakagandang regalo nga naman ng isang bibliya dahil ito ay naglalaman ng salita ng Diyos na makakatulong sa ating pangaraw araw na buhay. Isa din itong pinaghuhugutan ng lakas at kapayapaan sa buhay.

Kaya, kilig na kilig ang nga netizens dahil dito at napakaraming nag komento sa post ni Ken. Narito ang kanilang mga komento:

“Mahal kta alam mo yan 🤣🤣🤣❤️😘😘🙏🏻🙏🏻 mahal karn namin keeeen in Gods perfect time masasagot dn yan snabi mo ky rita 🤣🤣🤣

“Ken you dont know me personaly pero ito ang masasabi ko sa gift na natanggap mo from Rita,alam mo ba na nagmamay ari ka ng Library ni Lord? may laman yan ng 66 books. Pls read the book of Joshua 1:5 to 9. God bless you and your relationhip………”

“Sila talaga yung loveteam na natural lang. Alam mong hindi peke kasi magkaibigan talaga sila. Bonus nalang talaga kung magkakatuluyan sila eh 💕

“I hope and pray in God’s will mas mapalapit kayo sa isat isa..Kapit lang kay Lord..and count blessings..Good people are blessings too..People who hold on to Lord’s words are precious..😍

“Yan po ang aral na nasagap co sa paborito cong drama like ubrie hindi nan nia bilalican ang masama at ginawa nia tunay na pag mamahal nia cahit ganon si Buyet at may puso na may tunay na pagmamahal sa asawa nia cahit sino cia ang ganda”

“nmmiz quh nah kau….ang lungkot2 ng arw quh cmula nung nwala kau..=( i hope one day mgkaroon ulit kau ng plabas…ung kaung dlwa ulit ang bida…nkkainlove kaung preho…sna bgyan ng chance ang #BOBREY nah ptunayan ulit ang knilang talento….. I LOVE YOU KEN & RITA…. :-*