Alex Gonzaga at Fifth Solomon, naging “mag-jowa” ng isang araw dahil sa isang kakaibang challenge

Hindi nga naman lahat ng tao ay compatible sa isa’t isa. Lalo na kung ang hanap mo ay isang love partner, hindi nga naman talaga lahat ay may chemistry sa isa’t isa.

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

Sabi nga nila, may nakalaan talaga para sa iyo. Kung kaya’t marami din ang nagtatanong kung bakit nga ba daw kahit gaano ka close ng dalawang tao ay hindi talaga sila nahuhulog sa isa’t isa. Iyan ang tinatawag na platonic love.

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

Walang malisya, walang halo na kahit ano. Sadyang purong pagkakaibigan lamang talaga ang tingin at turingan sa isa’t isa. Marami nga naman ngayon ang ganito, at maging mga celebrities ay nararanasan ito, at isang celebrity vlogger ang nagpatunay ni to.

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

Sa vlog ni Alex Gonzaga, ibinida niya sa kanyang video ang 24 hours jowa challenge niya kasama ang kanyang kaibigan at dating Housemate ni Kuya sa ABS CBN Pinoy Big Brother na si Fifth Solomon. Matatandaang isa sa mga pinakapinagusapan ay ang kanyang pag amin na isa siyang bisexual.

Kaya naman, sa kanilang video na magkasama ay tawang tawa talaga silang dalawa. Ipinakita sa video kung paano nga ba nila gagawin at kakaharapin ang iba’t ibang sitwasyon bilang mag jowa.

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

Mula sa kanilang paghihilamos, pagtulog, pagkain. Maging ang pagpunta sa kanilang mga magulang at ang pag stay sa mall o sa labas ng bahay ay ibinida sa video.

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

Bandang huli, nauwi ang lahat sa hiwalayan. At sabi pa nga sa video, mayroon talaga laging naghahabol. Pero hindi nila nakumpleto ang challenge dahil umabot lamang ang challenge hanggang 18 hours. Medyo bitin pa ng anim na oras.

Sa kabila ng kakulangan na ito, napasaya naman nila ang mga netizens na kitang kita naman sa kanilang mga komento at reaksiyon. Narito ang kanilang mga samu’t saring komento:

“Bakit kinlig ako Kasi SI mikee Napa seryuso pag vlog ni Alex Peru Ito iba kilig na nakakatawa at nakakasuka Alex pls mag bf ulit kayu Ng 24 at gawin nyu driver si mikee 🤣🤣🤣🤣🤣

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

“Parehas cla ng type paano mag selos ang jowa nya eh babae puso ng ka harotan ng gf nya”

“Ngek mg bestfriend yan..kya khit mgkulitan cla n akala m tlga mgjowa..hindi yn pgsselosan ni mike..”

Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube
Credit: Ms Alex Gonzaga Youtube

“Grabe twa ko jan hahaha kung hindi lng magkakalapit kwarto.Sumisigaw naq kakatawa.Ang hirap pigilan ang twa😂😂😂

“sorry ate Alex pero di ko talaga alam kung anong mararamdaman ko , kikiligin o mandidiri love you both po”