Heart Evangelista, pumalag sa komento ng isang Netizen tungkol sa pagiging matanda ni Chiz

“Age doesn’t matter,” hindi nga naman isyu ang edad sa tunay na pag-ibig. Kahit anuman ang agwat ng edad ninyo, kung natagpuan niyo ang tunay na pagmamahal sa isa’t isa ay walang magagawa ang edad dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on


Iyan nga naman ang tila naging isyu sa isa sa mga post ng Kapuso actress na si Heart Evangelista. Nagpost kasi si Heart ng picture nilang dalawa ng kanyang asawa na si Chiz Escudero.

Ngunit, tila hindi naging maganda ang komento ng isa sa mga netizen. Ayon sa netizen, mukhang matanda daw si Chiz sa kanya.

Kaya naman, sumagot si Heart sa kanya at sinabing tatanda din naman siya pagdating ng panahon.

“He is old and you will be too one day. So be kind,” sambit ni Heart.

Photo Source: Kami

Sa katunayan, si Heart ay 34 years old at 49 naman si Chiz na hindi naman talaga ganun kalaki ang agwat nila. Matatandaang kinasal sina Heart Evangelista atChiz Escudero noong February 15, 2015.

Samantala, narito naman ang mga komento ng mga netizens na talaga namang suportado si Heart.

“Age just a number 34 vs 49 not that old lol (15 yrs gap lang) and So What if her husband looks old compare to Heart..Plus Chiz is not an actor para magpapogi ng magpapogi Lol.. mga pinoy kasi mahilig pumuna although di naman dapat pinupuna.. mas old nga si vic sotto compare to Pauline..aanhin mo ang young and handsome guy kung di kayang buhayin at sanga sangang babae.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on


“Mas mabuting may edad na. may karanasan na sa buhay. May mga kasing edad mo nga. wala naman alam sa buhay. at iiwan kalang din 😊

“Agree aq jn ika nga age doesnt matter eh.. Bakit aq jowa q going 55 this year at aq on going 29 kya wala pinipiling edad ang love kc lahat naman ng tao sa pag tanda din nman mapupunta.”

 

View this post on Instagram

 

Anywhere with you, my love…💙

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on


“Gusto mo nang lalaking understanding na mamahalin ka lalaking mas matanda sayo yun…Gusto mo nang lalaking under sayo tapos palambing nang palambing lalaking bata yun sayo…Ngayon kung gusto mo nang kagaya mo humanap ka nalang nang kaedad mo wag kana mangialam sa lovelife nang iba.😐

“Hindi nmn menor de edad c Heart…at kng c chiz ang mahal at gs2 nya wla tyng mgagawa…buhay nya yon. Masama kng menor de edad cya..at ska hiwalay n nmn c chiz sa una nyng asawa…at tanggap nmn cya ng mga anak ni chiz.. At tanggap nya rin ang mga bata….at hiwalay n cya sa una. Bgo pumasok c heart sa buhay nya.”