Video ng Graduation Ceremony gamit ang elevator sa mall, humakot ng mahigit 2M views sa Social Media

Matapos ang matagal na paghihintay at paghihirap sa pag-aaral, masusuklian nga naman ang lahat ng ito sa paggugunita ng mga graduation at moving up ceremony.

Credit: Mheck Callo Facebook

Mula elementarya hanggang kolehiyo, isa nga naman sa mga pinakahihintay ay ang pagtatapos na ito. Ang dugo at pawis ay mapapalitan na ng medalya, at diploma.

Credit: Mheck Callo Facebook

Bakas sa mga ngiti at mga luha na rin ang ngiting tagumpay na pinaghirapan ng mga estudyanteng nagnanais magtagumpay sa buhay. Ang bawat pagtatapos ay ang pagsisimula din ng bagong yugto sa buhay. Ang mga hakbang na ito ay nagbibigay ng bagong karanasan at kaalaman.

Siyempre, proud na proud din sa atin ang mga magulang na nagpapakahirap upang mairaos lamang ang ating mga pangangailangan at gastusin sa pag-aaral. Masusuklian din kahit papaano ang kanilang mga paghihirap sa ating pagtatapos.

Credit: Mheck Callo Facebook

Kaya naman, gustong gusto talaga ng ating mga magulang na maglakad sa red carpet na hinahatid ang kanilang nga anak. Pero, paano kung hindi ka na maglalakad sa saliw ng graduation march kundi ibababa ka na ng escalator.

Tampok sa facebook account ni Mheck Callo ang mga graduates na kasama ang kanilang mga magulang na imbis na maglakad sa aisle ay binababa sila sa escalator.

Narito ang kanyang post:

“HOY!!! IBA YUNG PROCESSIONAL! NAKA ESCALATOR!!!!! WAHAHAHAHAHAH
Credits to the owner😁

Napakasosyal nga naman na makita sa mall ginaganap ang graduation. Kaya, nagamit din ang escalator para sa graduation march ng mga estudyante.

Masayang masaya ang mga magulang na nakikita ang kanilang mga anak na naaabot na nila ng unti unti ang kanilang mga pangarap.

Credit: Mheck Callo Facebook

Samantala, maging mga netizens ay natawa talaga sa kanilang nakitang ito na nagtrending at umabot na sa 51k reactions at halos 2 million views..

“Bakit pababa hindi ba yan “moving up” ceremony HAHAHAHA”

“Pwede na oara d6n na sila kakain din sa mall dina sila mamasahe at pumunta kung saan saan … Hahahaha”

Credit: Mheck Callo Facebook

“our graduation for g10 in the main hallXDD”

“kung hindi ganito grad mo ewan ko na lang”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH sana ganto sa era sama ako sa grad mo nun”

“imagine if ganito pinagawa sa inyo since sa SM aura graduation mo”