Rita Gaviola “Badjao Girl”, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga Netizens tungkol sa kanyang pag-arte sa TV sa unang pagkakataon

Maaalala dati ang isang kababayan natin na kung tawagin ay “Badjao Girl” na nagviral sa iba’t-ibang social media websites dahil sa kaniyang taglay na kagandahan na makikita sa mga litratong kumalat sa internet na tumulong sa pagiging viral niya.

 

View this post on Instagram

 

“Simplicity reveals the pure beauty of life.” Debasish Mridh

A post shared by Rita Gaviola (@iamritagaviola15) on


Ang kasikatan naman na ito ay hindi niya sinayang at ginamit niya ito upang magpakalat ng kaalaman tungkol sa ating mga kababayan na badjao sa Mindanao na nais niyang matulungan at mairaos sa kanilang mga problema.

Ilan naman sa mga tagahanga ni Badjao Girl ang nagbigay tulong pinansyal upang matupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sila sa kahirapan.

 

View this post on Instagram

 

❤️😍

A post shared by Rita Gaviola (@iamritagaviola15) on


Tatlong taon matapos ang kaniyang kasikatan ay mayroon nanaman siyang natanggap na magandang oportunidad.

Siya ngayon ay kasalukuyang kasama sa bagong drama series ng GMA network na pinamagatang “Sahaya”, kung saan ang mga netizens naman ay binigyan siyang papuri dahil sa kaniyang taglay na hindi lamang kagandahan, ngunit sa kaniyang kagalingan sa pagganap niya bilang isang bagong aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@iamritagaviola15) on


Ang ilan sa mga tanyag na aktor at aktres na kaniyang nakasama sa isang emosyonal na scene ay sila Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Si Badjao Girl ay kasalukuyang gumaganap bilang ang karakter na si “Marriam” na gustong-gusto naman ng kaniyang mga fans.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na nagpapakita ng kanilang suporta kay Rita Gaviola.

“Ganda tlga ng sahaya sna mgtagal at mging real cast na c Rita ..galingan mpa Rita,love Mariam and sahaya here”
“rita gaviola galingan mo pa… you have future with gma7! stay humble… kasi stepping stone mo na yan. kudos sa sahaya… sobrang napapanahon ang bawat eksena!”
“Galingan lang nila paghahandle at paggawa ng mga quality projects dadami kita nila. Si Rita ng PBB may future din.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@iamritagaviola15) on


“Sana mabait dito si rita at siya ang magiging isa sa mga true friend ni Sahaya papanoodin ko ito..more on exposure para kay Baby Girl Rita”
“The real badjao girl #RitaGaviola Go girl galingan mo”
“GMA bakit???!!!! masyado niyong ginagalingan. marami tayong dapat na matutunan sa bawat role ng casts. salute sa inyong lahat.”