“Kung ano ang puno siyang bunga” iyan nga naman ang kasabihan na ating pinaniniwalaan. Malaking porsyento na magmamana ang isang bata sa kanilang mga magulang lalo na kanilang galing at talento. Sabi nga, it runs in the blood at syempre malaking bagay din ang impluwensya.
Kagaya na lamang ng ating pinagmamalaking People’s Champ na si Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao. Balita noon na pinasok na nga ng kanyang anak na si Jimuel ang mundo ng boxing.

Sa kabila ng mga iba’t ibang usapin, suportado naman ito ng kanyang mga magulang na si Pacman at Jinkee Pacquiao.
Kalat ngayon sa social media ang pagsasanay ni Pacman sa kanyang anak na si Jimuel. Napakagaling nga naman ng trainer ni Jimuel at walang iba kundi si Pacman. Napakalaking bagay nga naman na ang nagtatrain sa iyo sa boxing ay ang People’s Champ.

Maging mga showbiz personalities ay humanga dito at suportado sa kanilang nakita:
“So cool! Being trained by a legend!,” sambit ng apuso star Lovi Poe
“Soooo coooool!!!!,” ani Anne Curtis.
“Halaaaaaa uyyyyyyy I feel you tawon sagdi lang kay ang coach the best Gyud … He will be great as well,” pahayag ni Vina Morales.
https://www.youtube.com/watch?v=RWZ34mQ6XJU
Samantala, sari saring reaksiyon naman ang mga netizens ukol dito:
“PAngarap nya yan! Sinusuportaan lang sya ng Tatay nya. Kasi nasa dugo na yan☺kaya imbes na matuwa pa sana kayo, eh negative mga puna nyo. WALANG MASAMA ANG MANGARAP KAHIT NAKAHIGA PA YAN SA PERA. MAS NAKAKAPROUD PA NGA PAKINGGAN. Na kahit madaming pera yan mas pinili pa nya ang masaktan dahil yan ang gusto nyang maging daan tungo sa tagumpay.. ☺?”

“lets support na lang malay natin mas magaling pa cya sa ama nya pero sa aking pananaw si manny iba eh sala sa init sala sa lamig kaya ganun na lang ang tibay ng kanyang pangangatawan tapos nabuild up pa ng magaling na nutritionist so iba ang pundasyon ni manny.”
“Okay nman po pg boksingero ika nga nsa dugo na yan. Pro po alam nyo nman bilang magulang na mahirap maging isang katulad ninyo. Hindi madaling masktan, mabugb0g, bl@ck eye, put0k labi at ano pa. Mg aral nlng pong mabuti and be a good future leader in our nation like your dad.

“Matatawa sya syempre nakikita nya na iba ang kinalakhan nya kaya matigas si pacman. Pero as a father support sa anak dahil yon ang gusto. Kahit na no need na mag boxing ng anak nya dahil mayaman na sila.?“