JM de Guzman, inamin na niligawan nya ang dating nakasama sa pelikula

Kung usapang celebrity din naman, hindi mawawala sa kanila na mapag-usapan ang kanilang mga buhay pag-ibig. Marami sa mga tao ang interesado kung ano nga ba ang estado ng kanilang mga love life. Maging mga fans na sinusundan ang kanilang mga buhay, proyekto at mga shows ay tinitignan din nila ang estado ng kanilang lovelife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


Lalo na ng mga fan groups na talagang mga love teams ang hinahangaan katulad na lamang mga KathNiel, JaDine at LizQuen fans, mas kinikilig pa nga talaga ang mga fans sa mga estado ng kanilang mga love life.

Isa nga naman sa mga aktor na talagang hinahangaan at napakagaling sa pag-arte ay si JM De Guzman. Sa dinami dami na ng mga proyekto, napakarami ng pinares sa kaniyang leading lady at talagang makikita ang chemisty sa kanila.

Lahat nga naman ay tumitili dahil sa kagwapuhang taglay ni JM. Marami mang mga isyung kinaharap si JM noon, hindi na inakala ng mga tao na makakabalik. pa siya sa indutriya. Pero buti nalang nakabalik pa din ito sa showbiz, dahil sa kanyang talento, determinasyon at sigasig sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


Kaya naman, marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang mga naghihintay kay JM sa kanyang trabaho at sa kanyang love life.

Isa sa mga tumatak sa mga pelikula niya ay ang kanyang pagganap kasama si Angelica Panganiban sa That Thing called Tadhana sa direksyon ni Antonette Jadaone.

Nababalita na ngayon na magkakaroon ulit ng proyekto ang dalawa ngunit naghihintay pa sila. Ayon kay JM, dahil pagkatapos ng Exes Baggage at ng Play House ay magpapahina muna si Angge at may inaayos pa sa istorya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


Pero, excited na sila lalo na ng mga fans. Hindi pa final kung ito ay Part Two o panibagong istorya. Kahit ano pa man, susuportahan ito panigurado ng fans.

Kapag nga naman si Ange na ang pinaguusapan, marami ang naguusisa kung nagkaroon ba sila ng relasyon.

Deretsahang sinagot ito ni JM at sinabing wala silang naging relasyon kundi naging close talaga sila, na super close na magkaibigan. Nabanggit ni JM na pumorma siya ng kaunti ngunit sabi niya na wala pa naman sa prayoridad nila ito at may tamang oras pa para dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


Gayunpaman, hindi naman ito naisasara sa kanilang dalawa at marami pa namang mga posibilidad na maaaring mangyari.

Sa ngayon, masayang masaya naman sila sa patuloy na pagdating ng mga proyekto at sa suporta ng kanilang mga fans, kaibigan, at mga pamilya.

Source: Famous Trends