Netizen, viral ngayon dahil sa paggawa nya ng sariling version ng ‘Pepper Spray’

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang sariling pepper spray na kaniyang sinasabing mas epektibo kaysa sa mga nabibili sa tindahan nito.

Sa panahon na dumarami ang mga nabibiktimang mga babae sa lansangan, tiyak daw na mas malakas ang epekto nito sa mga taong mayroong masam@ng balak sa iyo. Marami namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkasabik sa produktong ito at nagsaad din na kanilang gagayahin resipi na ito para madala ito sa kanilang araw-araw na buhay.

Credit: Marry Ferjel Babasa Facebook

Ang netizen naman na ito na nagbahagi ng kaniyang “DIY” o “Do It Yourself” na pepper spray nagngangalang Marry Ferjel Babasa. Naisip niya raw ito sa dami ng mga nababalitang mga babaeng nabib!ktima ng iba’t-ibang mga klase ng pang-aabus0.

Credit: Marry Ferjel Babasa Facebook

Ang kaniyang Do It Yourself na pepper spray ay gumagamit lamang ng isang spray bottle na karaniwang makikita sa mga mall at tindahan.

Para naman sa spray ay madaming mga sili ang kaniyang t!nadtad upang hustong umanghang ang pepper spray na ito, kasama ang kaunting tubig at inihalo at nilagay sa spray bottle upang gawin ang kaniyang Do It Yourself na pepper spray.

Credit: Marry Ferjel Babasa Facebook

Upang subukan ang pepper spray na ito nang walang nasas@ktang kahit sino, maaaring gamitin ito sa isang pirasong papel at amuyin kung gaano ito katapang. Sa amoy pa lamang nito ay matitiyak na kung gaano ito katapang para sa mga tao.

Credit: Marry Ferjel Babasa Facebook

Madaming netizens, lalo na ang mga kababaihan, ang nakikitang sinusubukan din ang resipi na ito. Si Marry Ferjel Babasa ay nalulungkot raw matapos makita na madaming mga babae ang nababalitang naaabus0 sa ating bansa. Ito ang caption ng netizen sa kaniyang post kasama ang mga litrato ng mga kakailanganin para sa pepper spray na ito.

“G I R L S ❗️❗️❗️
Dahil marami na ang bad guys ngayon, I’ll share my life saver hack. Super easy and affordable so no hassle. 😉
See every picture. 😊

Ito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens ukol sa Do It Yourself na pepper spray na ito.

“gawa mo ko neto beb hahaha”
“peborit wepon mo. Eto sinasabe ko sayo”
“Galing! magawa nga to!”
“Ayos to ah! mukhang mas matapang to…”
“Wow… magawa nga. ewan ko lang kung maka-gulapay pa ang aatke sakin!”

Credit: Marry Ferjel Babasa Facebook

Humigit kumulang sa 31,000 ang mga reaksyon na makikita sa post na ito at naitatayang 98,000 naman ang mga nagshare sa post na ito.