Mariel Rodriguez, naiyak sa sinabi ni Vice Ganda habang naghohost sa ‘Its Showtime’

Kumakailan lamang noong maging laman ng ballita ang pagiging emosyonal ni Mariel Padilla sa noontime variety show na “It’s Showtime” matapos niya marinig ang mensahe ng kaniyang co-host na si Vice Ganda.

Ang nasasabing reaksyon ni Mariel Padilla ay nakakuha ng iba’t-ibang komento mula sa mga netizens na nakapanood nito sa social media.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ang sinasabing pagiging emosyonal ng “It’s Showtime” host na si Mariel Padilla ay nangyari sa isang segment ng palabas na tinatawag na “Tawag ng Tanghalan”. Naitanong ni Vice Ganda kung kasama ng isang contestant ang kaniyang ina sa set noong ipinalabas ang episode na iyon.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Sumagot naman ang contestant na si Charizze ng isang maikling “yes”. Mula dito, nagbigay ng komento ang komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang anak at kung paano pinapahalagahan ng mga magulang ang lahat ng bagay na ginagawa ng mga anak nila para sa kanila, gaano man ito kaliit o kalaki.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Diba yung mga magulang nga kahit walang ginagawa yung anak, yung makita lang nilang tumatakbo papunta sa kanila sa pinto. Kahit yung baby, yung gumagapang papunta sayo, ang laki na nun,” sabi ni Vice Ganda.

Ito naman ang nagtulak kay Mariel Padilla na maging emosyonal. Siya ay naluha at napasabi ng “Sobra. Naiyak din tuloy ako.”

Ang nakaluluhang pagkakataon na ito ay biglang naging nakakatawa matapos magbigay ng komento si Mariel Padilla na nagsabing “Ang ganda ko pa naman today,” habang kaniyang tinigilan ang pag-iyak niya.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ang pangyayari naman na ito ay naging viral sa iba’t-ibang social media websites ay nakakuha ng samot-saring mga komento mula sa mga netizens. Ito ang ilan sa mga inihayag na saloobin ng mga netizens sa social media.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Vice is such a great person di lang nagpapatawa, nagpapaiyak rin sa mga advice nya.”
“That’s how Vice makes us happy through his advice…Thank you meme Vice…Love You….”

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Totoo yan. I feel you mariel kaya ang ofw sobra sobra ang tiis swerte nalang kung ang anak kahit nasa malayo ang magulang kinakamusta parin.”

“Its showtime pwede nyo bang ibalik ang ADVICE GANDA kasi nakakamiss si vice mag advice.”
“Meme is not just a Comedian but a Educator as well. Aside from being so witty, you can learn from him because he is full of wisdom.”