Julia Montes at Coco Martin, nakumpirma di umano na nagkaanak na, ayon sa isang Showbiz Insider

Di umano’y ang aktres na si Julia Montes ay nanganak na kamakailan lamang ayon sa ilang reports ng mga showbiz insiders. Ang mga insider na ito ay nagsasabi din na ang ama ng batang ito ay ang aktor na si Coco Martin. Hanggang ngayon, hindi pa naglalabas ng kahit anong panayam ang parehong party ukol sa isyu na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Ngunit, habang tumatagal ang panahon ay lalo lamang dumadami ang mga balita na nagsasabing nagkukumpirma ng pagkabuntis ng aktres na si Julia Montes sa aktor na si Coco Martin.

Ang mga insider na ito, ayon sa isang post ng magazine na “Cosmopolitan”, ay nagsasabing nanganak ang 24-anyos na aktres na si Julia Montes noong buwan ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

 

View this post on Instagram

 

My happy pill today ❤😍 ….

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Noong ika-1 ng Abril, ang shobiz insider na ito ay nagpost ng isang artikulo na nagsasabing “Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor.”

“Totoo bang habang umiiri sa delivery room ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?”

“Siguro, ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement pag naka-recover na sa panganganak ang bagets.”

 

View this post on Instagram

 

Natatawa ako Salve pag pinag-uusapan ng tao si Julia Montes. Ang dami-daming speculations, haka haka, pero nakakatuwa naman na marami ang tuwang-tuwa kung sakali at totoo iyon hinala na nanganak ito at tatay na si Coco Martin. Natutuwa sila na isang babae tulad ni Julia Montes ang magiging asawa kung sakali ni Coco. At natutuwa din sila for Coco kung si Julia nga ang pinili niya na maging ina ng kanyang anak. Excited ang lahat, naghihintay, umaasa na sana may katutohanan ang naturang tsismis at usapan. Wala pa talagang inaamin si Coco. Wala din words mula kay Julia. So hintay-hintay lang dahil kung tutoo imposible itago ito ni Coco at Julia. Ang isang anak ay malaking blessing mula kay God, dapat ipinagmamalaki, hindi itinago. At sure ako na kung totoo, Coco and Julia will ba very proud. Basta wait na lang tayo sa surprise, at welcome it with love and applause. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay ❤️

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Ngunit, matapos ito maipost ay dinilete naman ito ng showbiz insider at pinalitan ito ngunit parehong isyu pa din ang kaniyang tinutukoy, pero sa pagkakataon na ito ay hindi siya naging ganoon kadirekta sa kaniyang ipinapalabas. Ito naman ang kinalabasan ng kaniyang binagong post.

“So me nauna na pala sa akin na magbalita ng tungkol sa panganganak ng isang aktres recently sa isang ospital sa San Juan.

Na ang akala ng marami ay sa ibang bansa ito naganap.Anyway, hintayin na lang natin ang aktres na maka-recover at ma-enjoy muna ang kanyang baby at pasasaan ba’t maririnig din natin ang magandang balitang ito mula mismo sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


With regards to the identity of the father of her baby, mas magandang sa kanya na lang natin ito marinig mismo. May nagtanong kasi sa amin kung sure daw ba ako na yung sikat na aktor ang ama.

If yes, happy naman sila, pero para lang wala nang duda-duda, hintayin na lang natin ang newest mom ang magsalita tungkol sa bagay na ito.

After all, happy naman ang lahat sa panibagong blessing na ito na dumating sa buhay ng aktres.
At alam kong napakaswerte ng batang ito sa kanyang mga magulang”

Hanggang ngayon, naghihintay pa din ang lahat para sa isang panayam na magkukumpirma kung talagang nanganak na nga ba si Julia Montes at kung isa ng ama si Coco Martin.

Source: Kami