Babaeng pinapakita di umano ang katabi nyang pogi sa ka-video chat, di inasahan ang nadiskubre

Kumakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media websites ang isang netizen at ang isang babae na kaniyang nakatabi sa isang pampublikong bus. Walang nag-aakala sa kanilang kwento na maibabahagi sa social media. Ang tila love story na nabuo sa social media ay nakakuha ng samot-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Isang pagtatagpo ng dalawang pasahero ng isang pampublikong bus ang kamakailan nagviral sa social media na kasalukuyang mayroong mahigit-kumulang 20,000 na mga share, aabot sa 60,000 na mga reaksyon, at tinatayang 700 na mga comments.

Ang kakaibang pagtatagpo na ito ay ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Kim Barbacena sa kaniyang account sa social media website na Facebook. Sa kaniyang post, kaniyang ibinahagi na ang babaeng kaniyang nakatabi sa bus ay kinikilig sa kaniya at di umano’y ipinapakita pa siya sa kaniyang kavideo-call sa kaniyang smartphone.


Sa kasamaang palad, hindi alam ng babaeng ito na isa palang parte ng LGBT community si Kim Barbacena. Sa sinabi pa ni Kim Barbacena, “”kinikilig si ate na katabi ko dito sa bus pinapakita niya sa ka-video call niya tapos sinasama pa ako akala niya siguro naka-jackpot siya ng poging katabi di niya alam bakla ako hehehe”
Ito naman ang ilan sa mga comments ng mga netizens sa pangyayaring ito.
“mas groomed pa kilay niya sakin”
“yan ung hirap sa babae e pag pogi kikiligin pero pag pangit maka pag post sa fb ng manyakis daw ung katabe kala mo kay ganda nya”
“Mukhang bakla na kase trip ng mga babae ngayon. Ayan di nahalata hahahaha! Kpop pa more nga uluuuul”
Credit: Kim Barbacena Facebook
“Pogi naman ah, bakla lang talaga, meron din maganda kaso tomboy ew saklap”
“Iba na talaga panahon ngayon Di mo na alam sino ang totoong lalaki o hindi”
“Gwapo din ang hanap, Wawa namn si ate. HAhahahahah”
“LANDI NI ATE YAN KARMI!”
😂😂😂😂
“kay gwapong bakla😍
“wuy…. bashhh p more… normal lng s babae ang kiligin…. hnd nya lng naihandle ng maayuz ang srili nya s action….di nya nmn ksalanan n bading pla ktbi nya……”
“Pagpangit katabi.. Sasabihin sa ka-video call ‘tumawag kana ng pulis’”
“Kilay pa lang sister na hahaha”
“HAHAHHAHAHHAAHAHAHHAA HI SIS”
“Hindi mo rin alam na ang sabi nia sa videocall niya na gwapo sana kaso bekle hahahaa 😂😂
“Jusko….dami ng pilengera ngaun.”
“kaya mahirap pag makakita ng gwapo”
“Baka assuming ka lang?”