Imahe ni Hesukristo, himalang lumitaw umano sa isang lugar sa Tiaong, Quezon na sya namang sinamba ng mga iba nating kababayan

Isa nga naman sa mga tatak ng ating pagkapilipino ay ang ating pagiging relihiyoso. Likas sa mga Pilipino ang pagiging makaDiyos dahil sa kagustuhang mapalapit sa Poong Maykapal upang makapagpasalamat sa Diyos.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) Facebook

Sumasalamin ang kultura natin sa pagiging malapit sa Diyos dahil sa napakaraming mga tradisyon na ating ginugunita. Katulad na lamang ng Pasko, Mahal na Araw o ibang pagdiriwang katulad ng nga pista.

Isa ding senyales ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga sekta at relihiyon. Iba iba man ang mga nakaugalian, mga tradisyon at paniniwala, iisang bagay pa rin naman ang kanilang kagustuhan, ang mapalapit sa Diyos at ang maging mabuti.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) Facebook

Ang simbahan, anuman ang relihiyon ay ang lugar upang magtipun tipon upang sumamba pero sa Tiaong Quezon, tila may bago ng lugar di umano ang dinadayo upang doon ay magdasal.

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) Facebook

Patok ngayon sa social media at naibalita pa sa Kapuso Mo Jessica Soho ang pagdayo ng mga tao sa isang pader na may mga basurahan. Nandoon sila upang magdasal dahil mayroong imahe ng mukha ni Hesukristo daw di umano ang nagpapakita dito.

Ayon sa mga residente, isang aparisyon daw ng mukha ni Hesus ang nakikita nila kaya inisip nilang milagroso ang nasabing basurahan. Habang ang iba’y sinasabi naman na nagkataon lamang ito at hindi naman daw talaga aparisyon.

Samantala, ang mga netizens ay may kani kaniyang reaksiyon ukol dito. Ang iba’y sinasabing hindi tama habang ang iba’y sinasabi na kanya kanyang ekspresyon lamang ito ng pagsamba. Narito ang kanilang mga komento:

“Hindi ako palasimba at palabasa ng bibliya pero alam kong nakasulat sa bible na bawal sambahin ang larawan😁….di ako magaling sa magsaulo ng verse kasabe ko lang na di ako palabasa ea….pero legit yan search nyo pa…bawal magsamba ng larawan…..lalo na kung nakita nyo lang sa basurahan…..😂😂..naunsa tawan mo oi…..

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) Facebook

“Yong mga imahe at rebolto simbolo lng ni hesus kya nmin sya sinsmba,,anu bang pkialm nio? Yan ang pnniwala n meron kmi,,ang mksalnn dto is ung pkkialmn nio ang pnnwala ng ibng tao,,kong kayo ndi nio gngwa to wag nlng kau mgbitiw ng ndi mgndang slita dhil yn ang mkslnn.🙁

“They’re not hurt!ng anybody. They can worship whatever the hell they want. Making fun of them doesn’t make us better people.”

Credit: Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) Facebook

“walang masama dito patunay lang na maka diyos ang katoliko. kaya sa ibang relihiyon dyan konting respeto at ayos ng pag uugali. ipakita nyo na may dyos din kayo sinasamba hindi lang sa salita, kundi sa puso. 🙏

“wag po natin pagtawanan may kanya2 po tau ng paniniwala at kung naniniwala po tau sa panginoon wag tau mang husga .. kahit sa simbahan tau manalangin pero di nman taimtim eh mas pakikinggan pa ang nananalangin sa basurahan i swear”