Bagong papalit bilang darna, nakilala na umano ayon sa isang youtube page

Ilang araw na matapos ang pagback-out ng aktres na si Liza Soberano sa kaniyang pagganap bilang ang pinay na superhero na si Darna. Dahil dito, madaming mga fans ang nagbigay suhestiyon kung sino sa mga sikat na mga artista ang gugustuhin nilang pumalit kay Liza para sa karakter na si Darna.

Ngunit, di umano’y ang direktor at producer ng proyekto na ito ay mayroon nang artista na naiisip na perpekto para sa karakter ng pinay na superhero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano Fans (@lizanianz) on


Ang pangalan ng aktres na papalit kay Liza Soberano ay inihayag na sa wakas matapos ang ilang araw ng mga haka-haka. Maaalalang ang aktres na si Liza Soberano ay nagback-out sa kaniyang kaganapan dahil sa isang injury sa kaniyang kamay na nagpapahirap sa kaniyang akto. Dahil naman dito, madaming mga netizens ang nanghula at nagbigay ng opinyon nila kung sino ang dapat maging sunod na Darna.

Ilan sa mga aktres na ito ay ang mga paboritong mga aktres mula sa ABS-CBN network na sila Jessy Mendiola, Kathryn Bernardo, Pia Wurtzbach, at Nadine Lustre. Maaalala din na kahit ang dating aktres na gumanap bilang Darna na si Angel Locsin ay napressure din sa pagtanggap ng kaganapan bilang Darna muli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Ngunit, sa isang report ng YouTube channel na “Celebrity Site Updates”, kanilang kinumpirma na si Julia Montes ang susunod na magiging Darna. Ayon sa YouTube channel na ito, nakita ng direktor at ng producer na sakto ang aktres na si Julia Montes bilang ang pinay superhero na si Darna. Ayon sa report na ito, ang kaniyang physique, tangkad, at kaniyang “vital statistics” o kalusugan ay ang mga bagay na kanilang tinignan bago siya kunin na kapalit kay Liza Soberano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Di umano’y ang dating star ng ABS-CBN drama na pinamagatang “Mara Clara” ay binigyan ng kontrata na nagsasaad na si Julia Montes ang papalit kay Liza Soberano kung mayroong mangyari sa aktres na makapipigil sa kaniyang pagganap bilang ang pinay superhero na si Darna.

Ngunit, sa kabila ng inireport na ito ng YouTube channel na “Celebrity Site Updates”, ang aktres na si Julia Montes ay hindi pa nagbibigay kumpirmasyon sa balitang ito. Kahit ang direktor at producer ng paparating na pelikulang Darna ay hindi pa nagbibigay ng kahit anong salita o panayam na nagbibigay kumpirmasyon kung talagang si Julia Montes na nga ang papalit kay Liza Soberano, o kung kahit ano pa ang kanilang plano para sa proyekto na ito.