Netizens, nagulat sa laki at ganda ng bahay ni Jackie Chan nagkakahalaga di umano ng higit P600M

Source: Recovery Crate

Kung ang pinag-uusapan din naman ay action movies, patok na patok nga naman. talaga ito sa mga Pinoy dahil sa iba’t ibang mga pelikula at mga teleserye na pinapanood natin. Sa bawat mga stunts, moves at mga scenes ay talagang di mo maaalis ang mga tao sa kanilang pinapanood.

Sa Pilipinas, paniguradong nakahilera diyan ang iba’t ibang mga stars kagaya na lamang nila Fernando Poe Jr., Bong Revilla at iba pa. Sa ngayon, nandiyan na rin si Coco Martin na patok din sa mga Pinoy ang teleseryeng Ang Probinsyano. Iyan nga naman ang mga inaabangang action movies ng mga Pinoy. Pero kung international ang pag-uusapan, walang tatalo sa kasikatan at galing ni Jackie Chan.

Source: Recovery Crate

Sa halos nagawa niyang 150 na pelikula, sa bawat sulok ng mundo ay talagang suportado at laging inaabangan ang kanyang mga palabas. Hindi lamang sa pagiging aktor kundi siya din ay naging direktor at producer na rin.

Source: Recovery Crate

Bilang bunga ng kanyang sipag at tiyaga, narito ang pasilip sa kanyang magarbong bahay sa French Villas sa Beverly hills hilaga ng Sunset Boulevard.

Source: Recovery Crate

Noong 1986, itinayo ito sa lupain na may sukat na 30,000 square feet at halos 7,600 square feet ang tinitirhan dito. Sa ngayon, nagkakahalaga ito ng $12.25 million o 612,500,000 milyong peso.

Source: Recovery Crate

Sa labas, mayroon ka munang dadaanang mga malalaking bakal na gate na magtutungo sa motor court at fountain.

Source: Recovery Crate

Kumpleto siyempre ang bahay na ito. Dalawang palapag ito at kumpleto mula sa living room, silid-kainan, family room na may mga kasangkapan, step-down bar, kusina at breakfast room.

Source: Recovery Crate

Kung pupunta ka naman sa ikalawang palapag, bubungad sayo ang Bar at ang master suite na may private sitting room, walk-in closets, at paliguan.

Source: Recovery Crate

Sa bakuran naman, ay may mga cabana na may mga pwedeng gamitin sa pagiihaw, outdoor dining area, at syempre swimming pool na may spa at water fall.

Source: Recovery Crate

May lugar din sa kanyang bahay ang mga halaman na talaga nagpapapresko sa lugar at nagpapaganda nito.

Source: Recovery Crate

Iispin mo nga naman na talagang napakayaman niya. Kaya ang pagiging matulungin at mapagbigay ay likas na din sa kanya. Sa katunayan, tumutulong din siya sa mga nangangailangan lalo na sa pangangailangan ng mga paaralan at unibersidad sa ibat ibang bansa.

Source: Recovery Crate

Maging sa UNICEF ay isa din siyang miyembro dito at may katungkulan bilang Goodwill Ambassador na nagsusulong sa kampanya kontra sa pang-aabuso sa mga hayop at polusyon.

Source: Recovery Crate

Makikita natin dito na ang sipag, tiyaga at kagandahang loob ay talaga nga namang magbubunga ng magandang ani, ng tagumpay kagaya na lamang ng bahay na ito ni Jackie Chan.

Source: Recovery Crate