Anak, nagkunwaring nangisay upang i-prank ang nanay nyang nagprank din sa kanya

Kumakalat nga ngayon sa social media ang iba’t ibang mga prank na talaga namang nagpapatawa sa atin. Ang iba’y napipikon dito o ang iba nama’y natatawa na lang din kapag nabibiktima nito.

Iba’t ibang klase ang mga prank. Ang iba’y may mga kasabwat pa at planado talaga, habang ang iba’y ginagawa ito ng biglaan sa mall, daan o ibang pampublikong lugar. Ang iba naman ay ginagawa ito sa kanilang bahay at ang kanilang mga kapamilya ang nagiging biktima nito.

Credit: Klasik – Titos and Titas of Manila Facebook

Kagaya na lamang ng isang video na nakapost sa Klasik – Titos and Titas of Manila. Makikita dito na busy na naghuhugas ng pinggan ang lalaki.

Naisipan ng nanay na biruin ang kanyang anak at gulatin ito. Nang nasa akto na at ginulat ang anak. Nabigla talaga ang lalaki at tila nahim@tay at nang!ngisay pa.

Credit: Klasik – Titos and Titas of Manila Facebook

Putlang putla ang ina at pilit sinasabi na biro lang iyon, at ginigising ang anak. Bigla na lang tumayo ang anak at tumatawa.

Hindi na rin mapigil ng ina ang kakatawa dahil imbis na siya ang mamb!ktima ay siya pa ang nab!ktima nito. Kaya walang sawang hampas ang natanggap ng lalaki dito.

Credit: Klasik – Titos and Titas of Manila Facebook

Maging ang kanilang mga kasama sa bahay ay tawang tawa din. Makikita mo nga naman ang closeness sa kanila dahil dito.

Siyempre, tawang tawa din ang mga netizens ukol dito. Narito ang kanilang mga komento:

“Jaan mo makikita na kahit upak up@kan ka ng magulang mo! hindi ka pweding bumawi😂 kasi nanay mo yun eh! mahal na mahal mo! kahit sampong babae pa ang dumating sa buhay mo! nanay mo parin ang the best ! siya kasi ang first love mo😘😘😘#imissyoumother

Credit: Klasik – Titos and Titas of Manila Facebook

“oo nga anu kinabast0s dun e para gnulat mya anak nya tapos knwari nangisay anak nya tapos sandali lng nman un ibig sbhin close cla mag nanay para kmi dn ng anak k khit minsan nag aaway kmi piro nagbbati dn kmi agad gnun lng nman tlaga”

“Ang OA nung iba nagkakatuwaan lang nmn pamilya nila.. Saka di nmn para biruin nila ng ganyan ang nanay nila kung alam nila na may dipernsya sa kalusugan like sa puso o nerbyos…”

Credit: Klasik – Titos and Titas of Manila Facebook

“Galing umarti yong anak na frunk ang nanay! Hahaha natakot den ako pero sa nangyari sa anak kala ko den totoo! Hahaha pero wagna ninyo yan gawen ulit mga anak baka magkasakit nanay nyo! Kahet ako na nervous ako sa nangyari! Pero noong inuulit ko natatawa naren ako dahel alam kuna ang sunod na mangyayari!”

“Tawang tawa ako eh halos malaglag ako s kama kakatawa s mga taong cnasbing bast0s alin ang bast0s kta nman n biruan lng at kht upakan ng nanay ung anak ndi gumanti asan bast0s jan ang sweet nga tingnan.”