Anak na inireklamo ang ina kay Raffy Tulfo dahil pinabayaan siya nito, hinimatay sa sobrang pag-iyak nung sila ay muling magkita

Isang 16-anyos na dalagang babae ang dumulog at humingi ng tulong sa radio show na pinamagatang “Tulfo in Action” na pinamamahalaan naman ni Raffy Tulfo, isa sa tatlong kilalang Tulfo brothers. Sa radio show na ito ni Raffy Tulfo, ang mga tao ay maaaring tumawag sa hotline at humingi ng tulong mula kay Raffy Tulfo mismo, at kaniya namang gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang makatulong sa mga dumudulog na taong bayan sa kaniya.

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Sa pagkakataon na ito sa “Tulfo in Action”, isang dalagang nagngangalang Malyn Tan ang pumunta sa radio show na ito. Ang idinadaing ni Malyn Tan ay ang kaniyang ina na iniwan siya.

Di umano’y pinabayaan siya nito mula pa noong musmos na apat na anyos pa lamang siya at hindi na muling nagpakita hanggang sa ngayon na siya’y 16-anyos na. Sinabi pa niya sa radio show na nais niyang maging buo muli ang kanilang nawasak na pamilya.

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Ayon sa dalagang si Maylyn Tan, muli pang nakauwi ang kaniyang ina na si Joylin ngunit saglit lamang ito. Bumalik si Joylin ng dalawang buwan lamang at muling umalis ayon sa kwento ni Malyn Tan.

Ang kadahilanan lamang daw ng kaniyang pag-uwi ay dahil siya ay nagkasakit.

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Umalis ito matapos gumaling mula sa karamdaman na hindi naman maintindihan ni Malyn kung paano ito nagagawa ng kaniyang ina.

Dagdag pa ng dalagang ito na hindi daw sila mahal ng ina niya, at nagawa pang sabihin ang sumusunod: “Pinagsabihan niya ako na kaya niya akong itakwil eh… sana daw po pinal@glag niya na lang ako nung bata ako…”

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Haka-haka nilang magkakapatid ay may iba itong lalaki sapagkat maski ang kaniyang mga kapatid ay hindi sinisipot ng kanilang ina. Naging komento pa ni Tulfo na ang anak na mismo ang nangangaral sa kaniyang ina.

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Matapos naman ang naging pagdaing ni Malyn sa radio show na ‘Tulfo in Action”, nagawan naman ng paraan upang magkita mula sila kasama ang kaniyang ama sa Cabagan.

Noong sila ay muling magkita, nailabas ni Malyn ang kaniyang saloobin, kasama na dito ang kanyiang sama ng loob. Ika pa ng dalaga, “Chinachat ko sayo di ba, di ko kailangan ng pera, kailangan ko pagmamahal ng isang ina!”

Credit: Raffy Tulfo in Action Facebook

Taliwas sa kaniyang pagkasabik sa muling pagkikita nila, nailabas na din ni Malyn ang kaniyang idinadaing sa kaniyang ina. Dala ng kaniyang sama ng loob nang sila’y magkita, hinim@tay ang dalaga.