Netizens, sabik na sabik na sa pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz

Kumakailan lamang ay nagpost ng isang litrato ng anino ng isang lalaki ang Turks at si Piolo Pascual sa kanilang mga account sa social media website na Instagram. Ang post na ito ay nakatanggap ng mahigit kumulang 33,000 na mga reaksyon mula sa mga netizens na hindi mapalagay kung sino nga ba ang nasa litrato na ito.

 

View this post on Instagram

 

Ang pagbabalik.

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on


Ang mga netizens ay humula kung sino ang potensyal na magbabalik sa mundo ng showbiz, mula sa mga aktor na sila Empoy Marquez at John Lloyd Cruz, hanggang sa mga personalidad na sumikat sa internet tulad ni JRoa at Lloyd Cadena. Ganito din ang mga naging hinuha ng mga netizens sa post ng ambassador ng Turks na si Piolo Pascual na mayroon pang caption na “If that’s you, I’m happy coz you’re my brother. Welcome to the family!”

 

View this post on Instagram

 

May nagbabalik.

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on


At ngayon, bilang pagkumpirma sa mga hinuha ng mga tao sa internet pati na din ni Piolo Pascual, si John Lloyd Cruz na mismo ang nagpost sa kaniyang social media account sa Instagram ng parehong litrato katulad ng sa Turks at kay Piolo Pascual.

Ang kaniyang post naman ay mayroong kasamang caption na “Ang pagbabalik.” Mula sa post na ito, ibinabahagi ni John Lloyd Cruz na siya naman ay magiging kasama na siya sa pamilya ng brand na Turks, kasama ang ngayong ambassador na si Piolo Pascual.

 

View this post on Instagram

 

If thats you i’m happy coz ur my brother😊 welcome to the family!

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on


Maaalala na nagpahinga mula sa trabaho ang aktor na si John Lloyd Cruz upang ayusin ang mga bagay-bagay at ang kanilang personal na relasyon ni Ellen Adarna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on


Mula naman sa post ni John Lloyd Cruz sa kaniyang Instagram account, hindi naman maitatanggi ang tuwa ng mga fans at ng mga netizens sa pagbabalik ng aktor na nawala ng matagal na panahon mula sa mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

John Lloyd Cruz #StarMagicBall2017

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on


Ito ang ilan sa mga comments ng mga netizens sa naging post ni John Lloyd Cruz:

“hahaha may dalang shawarma si popoy??”
“Turks shawarma ba yan poy?”
“Yehey! Imissyou popoy 😊”
“We love u idol”