Mga kanal sa Japan, pinatunayang malinis ang mga ito dahil may mga namumuhay pang mga Koi Fish

Mahalaga nga naman na pangalagaan natin ang kalikasan dahil ito ang ating tinitirhan at pinagkukuhanan din ng ating mga pangangailangan. Mahalaga ang malinis na kapaligiran dahil nakaaapekto din ito sa ating malusog na pangangatawan at syempre maganda din itong tignan lalo na sa iba’t ibang nga lugar sa ating bansa.

Source: Recovery Crate

Mapauunlad din ng malinis na kapaligiran ang turismo ng ating bansa. Mas maraming mga turista ang mas maaakit na pumunta sa ating bansa dahil sa kalinisan na kanilang makikita. Lalo na’t isa sa mga nagpapaunlad sa ating bansa ang turismo, ika nga nila “It’s More Fun in the Philippines”.

Source: Recovery Crate

Kaya, iba’t ibang kampanya at mga proyekto, maging mga aktibidades ang inilulunsad ng gobyerno at ng iba’t ibang mga ahensya para isulong ang malinis na kapaligiran.

Nandiyan na ang mga ginawang rehabilitation sa mga pasyalan gaya ng Boracay at Palawan.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng Manila Bay Clean Up, maging sa mga karatig na probinsya upang malinis na ang ilog na ito. Nakaaapekto din kasi sa mga ilog na ito ang mga estero at maging mga kanal.

Source: Recovery Crate

Kung usapang kanal din ang pag-uusapan, marahil ay masasabi nating madumi ito at kung minsan ay barado pa nga.

Bagamat mahalaga ang mga kanal na ito dahil dito dumadaloy ang tubig, upang maiwasan din ang pagbaha, isa ito sa mga napapabayaan sa ating bansa.

Source: Recovery Crate

Pero iba ang inobasyon na ginagawa ng Japan sa mga kanal nito, makikita na napakalinis ng mga kanal nila. Napakalinaw ng tubig na talagang napakapuro at malinis.

Kaya hindi na nakapagtataka na may mga isdang nabubuhay sa mga kanal at estero nila. Masiglang lumalangoy ang mga isda sa mga kanal na nakikita ng mga tao.

Source: Recovery Crate

Normal na nga sa mga Hapon na makita ang mga isda na kung tawagin ay Koi Fish sa kanilang mga kanal. Napakamakulay ng mga isda na makikita mong ligtas ang tubig para sa kanila.

Source: Recovery Crate

Bukod pa dito, ang harmony daw sa pagitan ng tao at hayop kagaya ng isda ang isa ding naidudulot nito. Nakakapamuhay ng tiwasay ang mga isda sa kanal kasama ng mga tao.

Napakasarap nga namang isipin na magiging posible ito sa atin. Hindi kasi isda ang mayroon sa ating mga kanal kundi ibang hayop kagaya ng daga o ipis. Tatambad pa sa iyo ang basura at kung ano anong nagdudulot ng polusyon sa tubig.

Ang ginawang ito ng Japan ay isang repleksyon ng disiplina sa mga tao. Sa wastong disiplina at pagaalaga sa kalikasan, uunlad ang sambayanan.