Bride, ginulat ang lahat sa kanyang sagot habang tinatanong ng Pari

Marami sa mga magiging mag asawa ay nais na maging makabuluhan at hindi makalimutan ang kanilang pangarap na kasal kaya naman pinapagrande nila ang reception pati na rin ang simbahan.

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

Mula sa post ni Thobits Dipasupil naging viral ang video ng kasal nina Princess at ng kanyang asawa dahil sa kanyang kakaibang pag sagot sa tanong ng pari.

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

Ang palaging sagot ng mga kinakasal sa tanong ng pari bago sila mag halikan sa kasal ay ” I do” o “yes father” ngunit ang sagot ni Princess sa tanong ng pari ay “Uho” na kinatuwa ng mga netizens pati narin ang mga dumalo sa mismong kasal nilang dalawa.

Kaya ganito ang pag sagot ni Princess dahil isa siyang batanguena.

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

Tanong ni father “Princess sumasang ayon ka ba na maging asawa si Silwi na naririto ngayon alin sunod sa batas at mga tuntunin ng ating banal na simbahan”. Sumagot si Princess ng “Uho”

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

Tinuloy ng pari “buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya bilang maybahay” at sa pangawalang pagkakataon sumagot ulit si Princess ng “Uho”

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

Talaga nga namang nakakakilig silang dalawa at sana maging masaya ang buhay ninyong mag asawa. Manatili ang inyong matamis na pag-iibigan.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na kinilig sa kanila:

“pag kinasal ka alam mona ang isasagot mo, 😊 ang cute nila tingnan, 😆”
“ang cute nilang couple..uhhhoooggg este uhhooooww”
“Kinikilig pa rin yung lalaki o! hahaha. sweet kaya!”
“Pagkakalambeng ga naman nare..ha ha ha”

Credit: Thobits Dipasupil Facebook

“nakaka lokong nakakakilig pag ganyan e”
“Aliw grabe. hahahaha… oo pa rin naman yun e ano beh!”
“Ang kulit! kasal pa lang ang saya na nila…”