Filipina, sinubukan kontakin ang airline company upang hanapin ang lalakeng kanyang nakatabi sa eroplano na tinawag pa nyang “lovely gentleman”

Destiny nga naman kung tawagin ang pagtagpuin ng tadhana ang dalawang tao na nagmamahalan. Hindi mo nga naman masasabi kung sino ang makakatuluyan mo at mas lalong hindi natin alam kung paano, saan at kailan natin sila makakatagpo.

Ikot ikot nga lang ang mundo at sa pag ikot nito ay hindi natin alam na nakasalubong mo na pala o kasama mo na ang “the one” na nakalaan para sa iyo. Maaaring kilala mo na o hindi, maaaring siya na nasa isip mo o yung nasa puso mo.

Kagaya na lamang ng 21-year-old business student na si Jomaica Alfiler na hindi na mapakali dahil sa kanyang nakatabi at nakasakay sa eroplano na German airline Lufthansa flight mula Germany patungong United States noong March 26.

Dumirekta na si Jomaica at nagpadala ng direct message sa mismong airline at pinost din niya ito sa kanyang Facebook page noong March 28 ang nakasakay niya sa eroplano na hindi man lang niya kakilala.

“Hi, i was traveling from Frankfurt to Seattle and i sat right next to a lovely gentleman on the plane but i forgot to get his full name and contact so i emailed Lufthansa and this is what they said.
#catchflightsandfeelings 😂❤️✈️,” pagbabahagi ni Jomaica sa kanyang facebook page.

Nabanggit niya na napakabait niya sa kanya dahil tinulungan pa siya nito na magbuhat ng kanyang luggage at nag order pa ng mga drinks.

“He was so kind to me and he helped me with my luggage. And also he kept ordering gin and tonic about 6 times during the whole flight, ” pahayag pa niya.

Ipinakita din daw nito ang pagiging maalaga at pagpapakita ng labis na concern sa kanya.

“He asked me if I was cold since he wasn’t using his blanket so he could give it to me. He also tried to help me recline my seat back but we both failed. However, I still thanked him,” dagdag pa niya.

Sumagot naman ang airline sa kanya at narito ang kanyang sagot,

“Fingers crossed that karma is on your [side] and you will see him again. Remember: You always meet twice!”

Gayunpaman, mukhang hindi talaga siya mapipigilan dahil determinado talaga siyang makita ito na makikita naman sa kanyang mga salita tulad nito.

“I would like to find him, wherever he is, and at least try my chances, get to know him and see where it goes, at least I tried and I won’t have any regrets.”