Amerikano, naging pulubi dahil tinangay umano ng kanyang nakarelasyong pinay ang kanyang pera, gamit at dokumento

Wala nga namang perpektong relasyon kung kaya’t hindi natin maiiwasan ang iba’t ibang mga klase ng sigalot at problema sa dalawang magkasintahan..Ngunit, ang sinasapit naman ng iba ay tila hindi na tama at hindi maganda.

Sa Pilipinas Trending page, itinampok ni Christine Ibanez ang isang Amerikano na nasa 7/11. Ngunit, tila nagkaproblema siya dahil pinapaalis siya sa convenience store dahil sa wala itong pambili ng pagkain.

Naging pagpapala lamang sa kanya ang isa sa mga tao na naaawa sa kanya para siya ay makakain na.

Ayon sa kwento, kaya ito naghirap ay dahil sa kanyang nakarelasyon na Pilipino. Kinuha at tinakbo nito ang pera, maleta at mga dokumento gaya ng passport kaya mas mahirap sa kanya ang makabalik doon.

Sa ngayon, palaboy laboy na ang Amerikanong ito sa Bulacan at umaasa sa mga magbibigay sa kanya.

Narito ang post ng netizen:

“Eto po yung amerikanong pinagtabuyan ng mga tao at ng security guard sa 7/11 dahil wala daw po syang pambili ng pagkain, buti na lang at may naawa sa kanya at binigyan sya ng pagkain, meron daw po sya nakarelasyong pinoy at iniwan sya tangay lahat ng pera, maleta at mahalagang dokumento gaya ng passport kaya hindi sya makauwi sa bansa nila at namamalaboy na lang po sya sa bulacan po ito sana po matulungan natin sya sa pamamagitan ng pag share nito.”

Samantala, umaasa naman sila na may makatulong sa kanila at narito ang mga komento ng mga netizens:

“Sa lugar nya d nya nraranasan ang ganyan dito lng sa pinas..sad to say pero pinahiya ng pinay na un ang pilipinas…hayyy sna mhuli na un babae na un..nkakabwesit lng dahil d nya nraranasan sa lugar nya ang mg hirap…sa isng iglap.lng mawala lahat sa knya”

Credit: Pilipinas Trending Facebook

“kaya nga ung ibang lahi ang sama ng tingin sa mga pilipina kasi ung ibang pinay mga wlanghiya gumagawa ng ganito lhat na damay damay na haysss hnd po lhat ng pinay may natitira pa nman konti”

“Totoo po yan ibang lahi mababa ang tingin ng pinay dahil sa pera..kaya ang iba nadadamay n lahat khit malinis ang intensyon maki pag relasyon sa ibang lahi kaysa sa kalahi tapos ganon ang gagawin sa tao n seryoso sa pinay..krma abutin mo.day.. Kung sino ang matino un pa ang linuloko…saan n po yan americano nyan”

Credit: Pilipinas Trending Facebook

“Ung pinay na nakarelasyon nya masyado mo nman ipinapahiya ang lahi nating mga pinay wag ka nman masyadong mukhang pera nakapandadamay ka pa ng kalahi mo e kaya pangit tingin satin ng mga taga ibang bansa dahil sa mga pinag gagawa ninyo”

“Swerte parin ng asawa ko na foreigner nakasswerte sya sa akin di ako ganun, may konsensya naman tayo, ng karamihan ay ganun talaga at may nobyo pinoy yan ang mahirap, kahit magsumbatan kami dalawa hinding hindi din kami naghihiwalay”