Anak, di matapos ang pasasalamat sa tatay nyang kargador na nagtrabaho ng doble para makatapagpos lamang sya ng pag-aaral

Kakambal ng tagumpay ang mga sakripisyo, pagsubok at mga balakid na kakaharapin natin. Sa mga hirap na ito, mayroong mga taong mas nahihirapan na nagsasakripisyo sa atin, walang iba kundi ang ating mga magulang.

Bida ngayon sa social media ang kwento ni Mailyn Esquelito Akoy na nakapagtapos sa Sultan Kudarat State University – Tacurong City Campus sa kursong Bachelor of Arts in Economics kahit na galing siya sa mahirap na pamilya at isang kargador lamang ang kanyang ama.

“Lahat ng hirap na pinagdaanan ng mga magulang ko ang syang nagsilbing inspirasyon ko para pagbutihin ko ang aking pag-aral. Dahil si Papa isang kargador samantalang si Mama naman ay syang nag-aalaga’t nagaasikasu sa aming magkapatid,” pagbabahagi ni Mailyn.

Marami ding mga ginawang paraan si Mailyn upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Gumagawa siya ng mga project ng iba, nagpapakete ng chicharon, naglalako ng gulay para may pambaon at pambayad sa eskwelahan.

Isang taon din siyang tumigil sa pag-aaral matapos ng High School at nakatapos siya sa TESDA ng Computer Literacy sa Nuestra Seniora de Candelaria Parish Church in Sultan Kudarat.

Nang makapasa na siya sa Sultan Kudarat State University – Tacurong City, naglakas loob lamang ang kaniyang mga magulang na mangutang sa 5’6 kaya kayod marino ang kaniyang ama para mabayaran ito.

Marami man ang nangutya sa kanila, pinilit pa rin niyang makatapos bitbit ang bilin ng kanyang ama sa kanya.

“Anak, mag-aral kang mabuti dahil hanggat may lakas pa akong magtrabaho, makakapag-aral ka. Wag mo akong ikahiya dahil isa lamang akong KARGADOR. Ikaw nalang ang magiging pag-asa namin ng Mama mo,” bilin ng ama sa kanya.

Hindi nga naman talaga biro ang pagiging kargador kaya naman ngayon na natapos na siya pag-aaral siya naman ang magbubuhat ng kaniyang pamilya para sa tagumpay.

“Kahit hindi man ako Cum Laude, Hindi rin ako honored student at wala man akong matatanggap na kahit anong award at kahit audience nanaman ang lola nyo sa nalalapit na parangal, masaya ako na ilahad ang aking kwento hindi para may maipagmayabang dahil malapit na ako sa katotohanan ng tagumpay kundi para maibahagi ang kwento kong ito para magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katulad ko na salat sa buhay, na anak ng isang kargador, na kahit anong hirap ay kayang lampasan lahat ng pagsubok, mapagpursige at mapagsumikap na anak at isang istudyanteng kailanman hindi nauubusan at nawawalan ng tiwala sa Puong Maykapal.

Dahil kung ikaw ay may hangarin maaabot at maaabot mo ang iyong mga pinapangarap. Dahil ako? HINDI AKO NAHIHIYANG IPAALAM NA ANG TRABAHO NG AKING AMA AY ISANG “KARGADOR”,” saad ni Mailyn.