Melai Cantiveros, inamin ang totoong estado ng kanilang relasyon ni Jason Francisco

“Walang perpektong relasyon,” iyan nga naman ang hindi mo talaga maaalis sa isang relasyon. Bahagi ng matibay at patuloy na tumitibay na relasyon ang mga pagsubok, at mga problemang kinakaharap ng dalawang nagmamahalan. Nasa iyo na lang kung paano mo ipaglalaban ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MELASON (@mrandmrsfrancisco) on


May isang blind item na kumakalat ngayon na may dalawang celebrity couple na nag iiwasan sa isang event. Ayon dito, hindi sila magkatabing kumain at sumakay pa sa dalawang magkaibang sasakyan.

Mayroong kumakalat di umano na ang celebrity couple na ito ay sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Mas pinag-usapan pa ito dahil sa hindi na masyadong pagpopost ng pictures nila ni Jason sa social media.

Ayon kay Melai, pinabulaanan niya na naghiwalay na sila ngunit sinabi naman ni Melai na dumadaan sa pagsubok ang kanilang relasyon.


“Ang totoo sa Melason is hindi ko talaga masasabi na okay, hindi ko [rin] masabi na hindi kasi normal sa mag-asawa ang magkaroon ng trouble,” kwento ni Melai


Banggit pa ni Melai, hindi sukatan ang social media sa kanilang relasyon. Ngayon ay mas pinili muna nilang maging pribado dahil naging publiko naman ang kanilang kwento mula pa noong sila ay nasa PBB house,

“Normal naman sa mag-asawa ang magkaroon ng problema kasi walang perfect na marriage, walang perfect na relasyon. Ang masasabi ko talaga is we are in the state of calamity,” pagbabahagi ni Melai.

‘Wag kayong malungkot siyempre mag-asawa na kami walang makakabuwag,” saad pa ni Melai.


Samantala, iba-iba naman ang mga reaksiyon ng mga netizens ukol dito.

“Hwag naman po sana kc wawa naman mga anak po ninyo cla yong maapectuhan gaganda panaman mga bata at ang liliit pa nila pls hwag naman sana pausapan nyo po kung ano problema po nyo”

“Iba pa din ang buo ang familia kc mga bata apektado kung dpt ausin ausin wag magpataasan ng ere,ang babae papel nya ang lging umuunawa pra ndi mcra ang familia,sa panhon kc ngaun wla ng martir kya maraming broken family ktwiran kc ok lng yn kya mong buhayin mga bata kc mlkas kumita c babae,ang kalalabasan hiwalay,hanggat masesave ang familia isave nyo kung ndi dn lng masyadong mbigat ang dhilan,pero kung sakitan n pisikal ndi na maganda yn.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Francisco (@jasonfrancisco11) on


“Beke nemen na iinsecure si Jason kz si Melay nghhanapbuhay.Pkabait kna lng Jason pra sa Pamilya mo,swerte mo na nga kay Melay.Tandaan mhirap ang buhay sa Pinas.”

“Dapat makipaghiwalay lna lng sya ky jason. Insevure na insecure kasi wala nman syang permanent job. Ganyan ang mga insecure”

“Ok lang yan melai basta nasa iyo mga anak mo wag mo bibigay sa kanya kaya mo nman buhayin ang mga anak mo mas matino ka nman kesa sa kanya yan ay kung totoo na hiwalay na kayo?”

Source: Kami