OFW na misis, inireklamo ng pamilya kay Raffy Tulfo dahil may kinakasama umano itong lalakeng Pakistani sa ibang bansa

Nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang mga Pinoy para may maibigay na magandang buhay sa kanilang pamilya. Tinitiis ang hirap at kalungkutan ng nag-iisa dahil alam nilang may pupuntahan ang kanilang paghihirap at iyon ay ang makapagbigay ng kaginhawaan sa kanilang pamilya. Ngunit, bakit tila nag iba na nga yata ang ihip ng hangin at iilan sa mga OFW mapa lalake man o babae ay nagiiba ang inaasikaso sa ibang bansa, na nagdudulot ng problema sa pamilya.

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Iyan ang kwento ni Kuya Jay-Ar Espiritu, ahente ng kalabaw. Inilapit niya ang kanyang problema sa programang Raffy Tulfo in Action.

Lumapit siya upang ireklamo ang kanyang asawang OFW na si Maria Teresa Espiritu tila pinagpalit na siya sa isang Pakistani. Dumulog ang isang ahente ng kalabaw, si Kuya Jay-Ar Espiritu, sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang OFW na asawa dahil siya’y ipinagpalit na sa isang Pakistani.

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Mayroong dalawang bahagi ang video ng kanilang problema. Sa unang bahagi nito, makikita na mayroong mga pictures ang OFW kasama ang isang lalaking Pakistani na nakasakay sa sasakyan at nakasandal sa balikat ng lalaki na inaakusahan na karelasyon nito.

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Nabanggit din dito na kahit pa nag rerequest ang kaniyang mga anak na iyak ng iyak na pinapauwi ito, ay hindi pa rin ito umubra sa OFW at tatapusin muna daw niya ang kaniyang kontrata.

Sa ikalawang bahagi naman ng video, nagkita na at nagharap ang mag asawa kasama si Sir Raffy.

Nagpaliwanag dito si Teresa na picture lamang daw iyon at walang malisya. Wala na rin daw sila ng Pakistani sa larawan.

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Ngunit hindi yata epektibo ang pahayag na ito kay Sir Raffy kaya di na rin mapigilan ni Sir Raffy na tanungin siya kung sino daw ba ang maniniwala sa mga sinasabi niyang ito.

Binanggit din ni Sir Raffy na sa dinami-rami ng mga kaibigan niyang babae ay hindi ganoon ang trato niya sa kanila.

Mas nakakagulat pa na sa kanilang pag uusap ay linalapitan ni Jay-Ar si Teresa upang yakapin sana ngunit bigla na lamang humagulgol, nagsusumigaw at umiiyak dahil daw sas@ktan daw siya nito.

Kaya naman, ang mga netizens ay hindi rin maiwasang magbigay ng komento at reaksiyon ukol dito:

“Mga ka ofw ko lalaki man o babae kahit anong hirap ng buhay huwag na huwag kaung papasok sa ganyang setwasyon lalot ung my n mga pamilya dahil ang laging kakawa jan ung mga bata😢😢

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

“So i aasa nalng lagi natin sa pagiging tao ung mga pagkakasala o pagkakamali natin? Kc tao lng Tau Kaya normal na ung magkamali kahit ung pagkakamali ai sinadya at my choice namn Para pumili ng Tama kysa sa Mali!!? Lahat nalng ng klasing pagkaka Mali ai isinisisi sa pagiging tao! Bakit hnde nio subukang maging isip hayop qng un ung paraan Para gumawa ng Tama!? 😡

“Ang dami na talagang sumikat….
Hindi kasi makontento sa isa Yong iba sinasabi libangan lang ayon nalibang nga😄😄 kaya mga kapwa ofw magbago na lalo na sa gc ang daming bigaon 😄😄😄Oo bigaon talaga😄😄😄

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

“Nakakadurog ng puso, nagpunta kayo ng ibang bansa dahil sa kahirapan. Yon lang sana ang inisip niyo bago kayo umalis ng bansa maayos kayo ng asawa mo , dapat itanim sa isipan niyo mahal niyo ang pamilya niyo, para iwas sa tukso.Kabayan pag isipan mo mas nakakatak0t ang P@rusa ng Diyos. Mahirap makipagsapalaran. Mahal ka ng pamilya mo”

“Abroad ako last year ang Dami talagang gumagawa nang kalok0han SA SA mga Filipino Alam nila May asawa o pamilya SA pinas sige Parin check in SA mga hotel Sabi nang isang waitress Na kabit what you see what you hear leave it here…..! SA Qatar 🇶🇦

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube