Pasahero, namangha nang malaman na ang mga piloto na naghatid sa kanila ay mag-ina pala

Mas mabilis nga naman ang trabaho kapag kayo ay nagtutulungan, may tamang koordinasyon, pagtutulung tulungan at pakikiisa. Iyan ang tinatawag na team work. Sa kahit anong bagay, kapag pinagtulungan, paniguradong kakayanin at magtatagumpay.

Pagdating sa kusina, marami ang nagsasabi na halos sa mga nagluluto ay mother and daughter tandem. Talaga nga naman siguradong sasarap ang lutuin sa tandem na ito. Pero iba ang tandem ng dalawang mag-ina sa kwento.

Imbis kasi na sandok, kawali at pagkain ang hawak, eroplano ang hawak ng mag-inang ito. Sila ay sina Captain Wendy Rexon at ang kanyang anak na si , First Officer Kelly Rexon.

Napansin ito ng netizen na si Dr. John R. Watret na lilipad mula Los Angeles papuntang Atlanta noong March 16. Talaga namang nabigla at namangha talaga siya nang malaman ito.

‘Family flight crew goals! Just flew from LAX to ATL on Delta piloted by this mother daughter flight crew. Great flight. Inspiring for you women,’ banggit ng tweet ni Watret na nagpasimula sa mga netizens na makita din ito.

Kumalat naman talaga ang tweet na ito at umabot hanggang 42,000 likes at 16,000 retweets.

Hindi lang iyan, ang ama ni Kelly at ang kapatid nito ay mga piloto din. It runs in the blood naman pala.

Kaya, talagang pinag-usapan ito sa social media at dinumog ng mga komento tungkol sa kanilang pagkamangha at mga sariling “tandem” stories.

“I am blessed as I teach in same school as my daughter! We are too busy teaching to be in each other’s pockets and kids always ask if we are related! It’s primary,they know but we keep it very professional. I am now semi retired and she is senior management so technically my boss!! We Just keep professional, we are doing a very special job!!”

“I can hear it now. Honey slow down. Mom I have the auto pilot set at 600 MPH. Honey Slow down, I have been flying since before you were born. Yea Yea I know you flew over mountains in a thunder storm with no electronics bare foot both ways. Did Snoopy win the race?”

“I’ve flown on a Fiji Airways flight with father and son as pilot and first officer and mother as cabin crew manager. While it seems okay, there are also r!sks.”

Source: Dailymail