Vice Ganda, diniretso ni Charo Santos sa issue na lagi daw nyang pinaglalaruan ito tuwing concerts nya

Pagdating sa industriya ng comedy at ng pagpapatawa, isa nga naman sa mga naglalakihang pangalan diyan si Vice Ganda. Talaga namang sasakit ang tiyan mo sa kakatawa dahil sa kanya lalo na sa variety show na kanyang kinabibilangan, ang It’s Showtime at ang kanyang sariling talk show tuwing Linggo na Gandang Gabi Vice.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Usap-usapan ngayon ng mga televiewers at mga netizens ang pagbisita ni Ms. Charo Santos Concio. Talaga namang matatawa ka sa naging usapan at kwentuhan nilang dalawa.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Isa sa mga pinag-usapan ang pagkonpronta ni Charo kay Vice dahil sa siya ang isa sa mga nagiging paksa nito sa kanyang mga jokes sa concert at maging mga show niya.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Isa sa mga ipinakita ay noong nag concert si Vice at nagbabasa si Vice na parang si Ma’am Charo at palipat lipat ang nunal nito.

“Gusto ko kasing malaman lang, may sama ka ng loob sa akin?

“Since nandito na rin ako, diretsuhan na tayo.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Yung una mong concert sa Araneta, at dun sa mga susunod pa, bakit palagi mo akong pinaglalaruan? Masak!t e. Ni hindi ka nga nagpapaalam sa akin.

“Masak!t lang na yung nunal ko hindi na nirespeto.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Ako’y mapagpatawad na nilalang pero huwag mo akong sasagarin,” pagbanggit ni Charo kay Vice.

Samantala, kinlaro din naman ni Ma’am Charo na nagbibiro lamang siya at kailanman ay hindi siya na off3nd sa mga jokes nito.

Maging ang mga netizens ay tuwang tuwa sa naging kulitan nila na magtutuloy pa sa susunod na linggo.

“Ang kulit nila kagabi ni mam charo santos sa ggv.. 😂😂😂 game na game si charo santos.😂😂

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Basa please huwag comment agad, masyado tayong nagmamadali sinabi na nga ni charo Santos na hindi sya na offend sa joke ni vice ganda bakit pinalaki ang issue nag joke lang si charo nung kinumpronta nya si vice… Malaking kawalan sa noontime show kung magka glit ang dalawa.Ganern!”

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Bago kau mg react ng d mgandang komento panoorin nyo ang video..nkkatuwa dahil kadra mahan lng nila vice at ms charo…ako sa totoo lng mgaling na host c vice,,nakka entertain tlaga..nkka goid vibes..kaya pwde wag kaung nega kay vice…”

“Joke2x lng nman nla Yan,tirahan Ng mga msasakit n salita pro at the end joke lng,wlang personalan…mgkasundo cla,..kpag katulad kc ne’tong vice,kpag hndi k mrunong umintindi s kanya tiyak mgkaka problema tlaga kayo,bitter to bitter tlagang mapait,pro c ms.charo,ok nman xia..mrunong xiang mag handle s ugali Ni vice..Kya masaya cla..”

“Kakatuwa ang palabas sa GGV kagabi..sobrang cool at masayahin si Ms Charo..pinagtripan daw kasi ang nunal,.kung saan saan daw nilagay..hahaha..ang galing!👏👏👏🤣