Empoy Marquez, ipinasyal si Alessandra De Rossi kasama ang hosts ng ‘Magandang Buhay’ sa kanyang Restaurant

Ang pag-iinvest sa negosyo ay talaga nga namang napakahalaga dahil malaking tulong ito lalo na sa mga pinansyal na pangangailangan. Imbis na iba’t ibang bagay ang paglaanan ng pera na hindi naman lumalaki. Mas maigi nga naman na paglaanan na lamang ang negosyo dahil sa mas lumalaki pa ang pera mo dito.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Yun nga lang, malaking sugal din ika nga ang pagnenegosyo. Nasa atin na nga lang talaga kung paano mo ito paglalaanan ng panahon at kung paano ito patatakbuhin.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Dahil ang tamang pagpapatakbo nito maging ang pagpaplano ng negosyo ay may malaking epekto sa magiging resulta at takbo ng negosyo.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Halos sa mga pumapatok na negosyo ngayon ay may kinalaman sa pagkain. Kapag nga naman patok sa panlasa ng mga Pinoy ang inihahain mo ay papatok din ang negosyo mo sa lahat. Lalo na’t halos sa mga negosyong ito ay ang mga artista at mga showbiz personalities ang nagmamay-ari.

Habang ikaw ay nasa rurok ng kasikatan, talaga nga namang dapat nang bigyang pansin ang negosyo. Dahil ang buhay showbiz ay tila isang gulong na paikot ikot lamang. Maaaring ngayon sikat ka na at sa ibang panahon ay mag iiba ang ihip ng hangin.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Isa sa mga artista na mas binigyang halaga ang negosyo lalo na ngayon sa kanyang career ay ang aktor ng Kita-kita na si Empoy Marquez.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Isang restaurant ang ibinida ni Empoy sa Magandang Buhay, morning show ng ABS-CBN. Kinuwento ni Empoy kina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros, host ng naturang show ang kanyang restaurant na “Way Back 90’s cafe and restaurant”.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Kakalipat lang nito sa bago nitong location sa Baliuag, Bulacan noong Pebrero 28. Pero nasa halos 3 taon na rin ito. Matagal na rin nang pasimulan ito na Empoy na makikita mo rin ang patuloy na paglago ng kanyang negosyo.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Siyempre, dito sa kanyang restaurant ay matitikman ang masarap na mga kape at frappes na swak na sa panlasa at sa iyong bulsa.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Pero, makaka-time travel ka rin bilang isang 90’s kid sa restaurant na ito. Dahil, bida din dito ang Marvel X-Men action figures, family computer, old PlayStation edition, an arcade machine, Tamiya racing car, old-school yoyo’s at iba pang mga 90’s collections. Mamimiss mo nga naman ang dekada nobenta at ang iyong childhood dito.

Source: ABS-CBN Entertainment Youtube

Bagamat hindi naman ipinanganak noong 90’s si Empoy dahil batang dekada otsenta siya, pero lahat ng kanyang mga paborito ay noong 90’s pa na nabanggit niya sa video.

Talaga namang gugustuhin mong bumisita sa restaurant na ito at mag relax muna at balikan ang masasayang panahon ng 90’s.