Kaye Abad, mas enjoy at pipiliin ang buhay sa Cebu kaysa Maynila kasama ang pamilya

Malaking kaibahan ang buhay sa probinsya at sa siyudad. Pareho lamang itong may positibo at negat!bong hatid sa mga naninirahan dito. Kaya naman, kanya-kanyang opinyon base sa nakalakihan, at nakasanayan kung ano nga ba ang mas gusto nila, probinsya o sa siyudad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


Kung ang pag-uusapan nga naman ay trabaho, ang siyudad ang sagot dito. Talaga namang mas mabilis kumita sa siyudad dahil sa napakarami ng mga trabaho, ngunit maaaring sabihin na mabilis ding magamit ang pera dahil sa mas mataas na “cost of living”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


Sa probinsya, lagi nga namang sinasabi na mas simple ang pamumuhay. Mas masarap na simoy ng hangin at payapang mamuhay ng masaya kasama ang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


Kaya, ang isang magaling aktres na si Kaye Abad ay mas gugustuhin din daw na manirahan sa Cebu dahil mas relaxed daw siya dito.

Mas magaan, masarap, at mahinahon daw kung ilarawan ni Kaye ang buhay sa Cebu City. Halatang mas gustong gusto talaga ang Queen City of the South, ang Cebu kaysa sa ibang lugar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


“Masarap. They always ask me that. Come to think of it, I prefer living there(Cebu) because it’s very laidback. It’s a combination of the province and city life. If you want to go to a beach and the farm, (you can easily go to one) everything is accessible. If you want the city (life), you have malls. Everything is there. I’m more relaxed (in Cebu),” saad ni Kaye.

Kontento nga naman at fulfilled ang buhay ni Kaye kasama ang kanyang asawa na si Paul Jake Castillo at ang anak na si Joaquin. Sila ngayon ang pinagkukuhanan ng inspirasyon at kagalakan sa kanyang araw-araw na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


“As in, I thank God because all my dreams came true, to have my own family, to be a housewife, everything. I’ve already said this, that at times, it scares me because He really gave me everything. Wala naman sanang kapalit,” banggit pa ni Kaye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


Kaya naman, maging mga netizens ay naka relate din kay Kaye at tila gustong gusto din sa Cebu matapos purihin ang nasabing siyudad.

“Congrats kaye nka tagpo ka ng lalaking matino tulad ni paul jake gusto ko si jake mula pa ng nasa pbb sya si paul pala ang hinihintay ng puso mo kaye”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katherine Grace Castillo (@kaye_abad) on


“Yes, gs2 q rin sa Cebu malapit sa lahat bilis lang sakay ng taxi”

“Minsan lang ang trapic sa cebu”

“Walang tutumbas sa Cebu, ito talaga ang lugar na gugsthin mong mamuhay”

Source: Kami