Don Laurel, ang dating Star Magic Artist, isang Pulis na ngayon sa Canada

Tila isang gulong kung ilarawan ang buhay sa showbiz. Minsan ay nasa itaas, minsan naman ay nasa ibaba. Ngunit, dumarating din naman sa oras na magiiba ang ihip ng hangin, at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa industriya ka ng showbiz.

Ang iba’y nagpopokus sa negosyo, sa pamilya o nagpapahinga muna. Habang ang iba’y tinutuloy nila ang kanilang pag-aaral, pangarap na propesyon o nangingibang bansa.


Parang ang isang Pinoy na pulis na ibinida sa isang radio station sa Canada. Tampok ang kwento ng isang pulis na nambibihag ng kababaihan dahil sa kanyang angking kagwapuhan at charm.

Napag-alaman na ang Pinoy na ito ay si Don Laurel, isang dating Kapamilya Actor at Star Magic artist. Talaga namang marami pa din ang nakaka-alala sa kanya at talagang nabibihag ang kanyang mga fans sa kanyang galing at kagwapuhan.


Ilan sa mga pelikula, programa at teleseryeng kanyang kinabibilangan ng Home Along Da Riles, Gimik, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Anak, Mula sa Puso, at marami pang iba na alam na alam pa rin ng kanyang fans.

Halos lagpas na sa sampung taon na nagsisilbing pulis si Don sa Toronto Police Service 32 Division. Tinagurian din siya bilang ang Filipino James Van Der Beek, ang lead actor ng sikat na Dawson’s Creek Toronto police.

Maging ang kanyang asawa ay kilala din natin at isa ding certified Kapamilya at bahagi din ng Star Circle 3 na si Aurora Halili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aurora Halili Laurel (@3dzumba) on


Ngayon, masayang masaya ang kanyang asawa at pamilya na nakatira sa Toronto, Canada.

Maging ang mga netizens ay naalala din siya lalo na sa mga programa at pelikula niya. Hindi pa rin siya nakalimutan sa kabila ng katagalan na niyang di lumalabas sa big screen

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aurora Halili Laurel (@3dzumba) on


“‘Si Don Laurel yung isa sa mga crush ko sa ABSCBN Talent noon. Most memorable sa akin yung FLAMES epsiode nila ni Lindsay Custodio bagay na bagay sila noon. FYI, yung wife niya which is Aurora Halili is also a former Star Magic Artist. Siya yung gumanap na asawa ni Gio ALvarez sa Home Along Da Riles,” sambit ng isang fan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aurora Halili Laurel (@3dzumba) on


Habang ang ibang fans ay inalala pa na. siya ang cover sa kanilang notebook noong sila ay nag-aaral pa. Talaga namang masasabi nating sikat na rin noon si Don sa Pinoy fans.

“I remember him because he was one of my crushes back then…Though he never played any lead roles…I get excited whenever he comes on TV!,” pagalala ng isang netizen.

Source: Kami