Sa tiyaga, determinasyon, at pagsisikap ay talaga namang maaabot mo ang tagumpay. Kahit ano pa ang estado mo sa buhay, walang pinipili ang tagumpay. Kundi ang pagsusumikap sa buhay ang siyang magiging susi at daan mo para makamit ang inaasam na tagumpay.
Iyan ang pinanghahawakan at pinatunayan ni Janryl Tan, 23 years old mula sa Barangay Kublihan. Siya ay magtatapos sa kursong civil engineering na may Latin Honors sa University of Cebu.

Ngunit hindi lang iyan, bukod sa pagiging magaling at masipag na estudyante, isa din palang public servant itong si Janryl. Siya ay naglilingkod sa publiko bilang isang Barangay Tanod sa kanilang barangay.
Napakagaling nga naman talaga ni Janryl na napagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at ang paglilingkod sa kanilang barangay, at may achievement pa.

Bata pa lamang siya ay lumaki siya sa Alubijid, Misamis Oriental. Sinubukan din niyang maghanap ng kabuhayan doon hanggang sa nakasama niya ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa barangay hall sa Cebu.
Bukod sa pag-aaral, halos ang barangay na ang gumugugol sa oras ni Janryl. Hindi nito napapabayaan ang pag-aaral at siyempre maging ang kanyang tungkulin sa barangay na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa barangay. Ikalawang tahanan na nga niya ang barangay hall.

Kaya naman, masayang masaya ang kanyang mga kabarangay sa kanyang pagtatapos at sa nakamit na karangalan. Bahagi din sila sa tagumpay nyang ito.

Ngayon pa lamang, bumubuhos na ang trabaho sa kanya ngunit prayoridad nya muna ngayon ang makapasa sa board exam.
Samantala, masayang masaya din at todo ang papuri ng mga netizens kay Janryl dahil sa kanyang galing, determinasyon at pagsisikap.
“The future structural engineer you will be designing high rise building,bridges,roads, stay humble maging inspirasyon ka sa iba hindi hadlang ang kahirapan,hindi po kgaya ng iba jan na puro rally tapos mgiging NPA ginamit,nagpagamit hanggang nsama sa bundok naka enc0unter ng militar nmat@y napakasayang God bless you more sir.”
“Congrats sa iyo kuya you really nailed it. Alam kong mahirap maging double shifter pero kinaya mo I salute you po You gave inspiration to the youth and to other people, You’re hardwork has finally paid off.”

“SANA DUMAMI ANG GAYA MO PO!!NAKAKA INSPIRE MGA GANITONG TAO NA NAGSUSUMIKAP MAKAPAGTAPOS NG COLLEGE AT MAKAKUHA NG DEGREE ????KAHIT PA UMASENSO KAMAN O HINDI..PINAKAMAYAMAN KANA KAPAG MAY DEGREE KA O TAPOS KA????☺YAMAN NA DI MANANAKAW”
“Ito dapat binabalita nio…para tularan ng mga kabataan…..hndi ung gripo na humihigop ng tubig……Congrats ka bayan…”
Source: GMA News