Pinoy Celebs, inamin na napilitang mag-igib ng tubig dahil sa kakulangan ng supply nito

Nahaharap nga naman ang ating bansa ngayon sa krisis sa tubig. Mahirap nga namang mamuhay ng walang tubig dahil sa kailangan talaga natin ito sa ating pangaraw-araw na buhay. Mula sa ating paggising, hanggang sa ating pagligo at maging bago tayo matulog. Kaya naman, ang hirap isipin kung paan0 mo nga ba matitiis at malalagpasan ang isang buong araw ng walang tubig.

Para magkatubig, kanya kanya na ng paraan kung paano magkatubig. Ang iba’y nag-iigib o nag-iimpok habang mayroon pang tubig. Habang ang iba naman ay todo ang pagtitipid sa tubig.

Hindi lamang mga ordinaryong tao ang apektado dito kundi maging mga celebrities ay hindi nakalagpas dito. Narito ang ilan sa kanila na namataan sa kanilang mga social. media account:

1) Pokwang
Makikita na habang naglalaba ay may mga lalagyanan ng tubig sa likod niya.

Source: Pokwang Instagram

2) Bianca Gonzales
Ipinakita naman ni Bianca na pumupunta pa sila sa bahay ng kanyang nanay para lamang mag-igib.

3) Janno Gibbs
Nakuha pang magbiro ni Janno at linagyan ng caption na Janno Iggibs ang naimpok na tubig.

 

View this post on Instagram

 

Nagi-iGibbs ng tubig! 🀣🀣✌ Tnx for the joke @akosiigan πŸ‘πŸ‘πŸ‘

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs) on

Samantala, maging mga netizens ay punong puno na din ng hinaing tungkol sa krisis na ito.

Tingnan ninyo po ang bigas nagkrisis din tumaas din diba hindi na bumaba saka naglabasan sako sakong bigas ng tumaas na ang presyo..ganyan ang goberno at negosyante sabwatan.

Hanggang kaylan kaya na ganyan ang sitwasyon. Jusmeyo! Parang load lang eh. Kung kaylan ka nag-register. Ganon time din ma-eexpired. Langya!

Source: Pokwang Instagram

Ate pokwang,! Dito po sa bahay sa Cavite pwde po kau makaigib dito,. Ung sa ibang lugar na my tubig,! At malapit. Baka naman pwde niong ipamahagi,. Paigibin ung mga taong apektado ng walang tubig. tulongan lng guys, kc un lng maitutulong natin, bigay na natin. Kaya tau nakaka ranas ng ganyang pagsubok, kc sinusubok tau ni papa Lord qng panu tau magiging bukas sa pag tulong sa iba.

Simpleng artista walang arte ….love u pokie,,Sabi ng maynilad sapat Ang supply ng tubig at same LNG naman kinukuhanan ng tubig Ang manila water at maynilad pero Bakit Ang manila water LNG Ang nagcrisis ,dahil malapit n eleksyon alam na,

Walang ka arte arte c pokwang sya p mismo nag ipon ng tubig,samantala yng iba umaasa s katulong.. Very good pokie

Mabuti nalang dito sa Citi homes Mandaluyong city tuwing gabi lng nawawala tuwing umaga meron na.😊