Hugot ng isang Netizen tungkol sa larong ‘The Boat is Sinking’, Viral ngayon sa Social Media

Kasama na sa mga childhood memories natin ang masayang paglalaro ng iba’t ibang mga laro lalo na ng mga larong pinoy o mga laro na pisikal na hindi online o virtual game. Kagaya na lamang ng patintero, tumbang preso, piko o chinese garter. Isa din sa mga kilalang kilala at hindi nga naman kumpleto childhood mo kung hindi ka naglaro ng “The Boat is Sinking.”

Pero paano kung masyadong naging seryoso at malalim ang pagtingin at pag-iisip ng larong ito? Paano kung hindi na lamang naging isang laro ang kinahihinatnan ng larong ito kundi may mga naganap na nakakabiglang pangyayari matapos maglaro?

Photo Source: Mashew Dagdagan Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media lalo na sa Twitter ang post ng Twitter user na si Robi @Rbrsclr. Ikinuwento niya dito ang kanyang karanasan at ang kanyang mga naisip matapos maglaro ng “The Boat is sinking”

Sa kanyang pagkukwento, habang sila ay nasa P.E. class, in-announce daw ng kanilang guro na maglalaro sila ng larong pambata at ito nga ang “The Boat is sinking.”

Photo Source: Mashew Dagdagan Facebook

Kwento pa ni Robi, napakasaya ng lahat hanggang sa unti-unti ng naubos pero silang apat na magkakaibigan ay buo pa din.

“Ang saya saya namin kasi buo pa rin kami. Pero no’ng patagal nang patagal ang laro, a realization hits me. Hindi pala nakakatuwa ang laro na ‘to. Hindi ito basta-bastang laro lang. Why? Because you have to learn how to let go for you to survive even if it will hvrt you so b@d.

Kailangan mong mamili kung sinong ililigtas mo at kung sino ang malvlunod. As our teacher said, “Group yourselves into three.” Natigilan kaming apat because we have to choose kung sino ang mananatili at sinong isa ang malvlunod.

Photo Source: Mashew Dagdagan Facebook

It was just a freak1ng game pero sobrang sak1t na nakikita mong ipagsiksikan ang sarili mo pero pilit ka nilang tinataboy for them to svrvive.”

Sino kaya ang tinanggal ng tatlong magkakaibigan? Mabibigla ka ba na ang mismong nagsulat na si Robi ang tinanggal. Ngumiti na lamang si Robi pero sa loob ay masakit ito sa kanya.

Photo Source: Mashew Dagdagan Facebook

Pero mas nakakabigla nang ang matira ay dalawang lovebirds sa room at ‘yung isa naman ay babae na ex no’ng lalaki.

Kung iisipin, ang pipiliin no’ng lalaki ay ‘yung girlfriend niya. Pero nang sabihin na ng teacher na “Group yourselves into Two”,
nabigla ang lahat at talagang nanlaki ang mata ng lahat nang niyakap ng lalaki ang ex niya imbis na ang girl friend niya.

Ang ending, naghiwalay na ang lalaki at ang kanyang present gf at binalikan niya ang kanyang ex. Kaya naman naisip na lamang ni Robi na ayaw na niyang maglaro nito.

Samantala, maging mga netizens ay nagbahagi ng kanilang opinyon at pagtingin tungkol sa laro. “Di ko alam san ako masasad. Sa iniwan ng jowa, o iniwan sya ng bestfriends niya :(( pero kung kayo yun at iniwan niyo ko sasakalin ko kayo”

“Played that game in gradeschool and figured out that I didn’t belong. So it’s just easy for me to volunteer to opt out and do anything by myself, under my conditions, and with whoever is willing to go with me, these daya. Haha!”

“idk kung ihaheart ko ung tweet masakit kasi, felt it to my core minsan gusto mo nalang sumigaw kaso luha nalang na tahimik! i symphatize don’t get me wrong i know you don’t need pity”

“We also played this game last week and while we were playing the game my relationship with my boyfriend was tested. ayon doon ko lang na realize na I was just a rebound. He was just using me to move on. That’s why until now broken pa rin ako.And to think na sya yung first bf ko..”

“Truth is, it’s also a test for yourself — to learn how to let go, walk away and leave those people who aren’t worthy of your time and energy, those who are not worth f1ghting for. Because there comes a time that it’s only you who can save yourself from greater pa1n and disappo1ntment.”