Babae, nagsilang ng 6 na sanggol sa loob lamang ng 9 minuto

Buw1s buhay ang ating mga ina sa pagpapanganak nila sa atin kaya naman malaki ang sakr1pisyo nila mula sa siyam na buwan na pagaalaga nila sa atin sa kanilang sinapupunan hanggang sa mailuwal nila tayo dito sa mundo.

Kaya naman, walang katumbas ang pagmamahal ng isang ina. Talaga namang iba ang kanilang aruga at alaga para sa atin. Gagawin nga naman talaga nila ang lahat para sa ating sariling kapakanan kahit pa ito ang maaaring maging m1tya ng kanilang buhay.

Photo Source: The Woman’s Hospital of Texas Facebook

Kagaya na lamang ng panganganak, dahil nasa hukay ang isa nilang paa dahil hindi biro ang prosesong pagdadaanan nito. Pero, pinaglalabanan nila ito para tayo ay mabuhay.

Kung ang isa pa lamang ay buw1s buhay na, paano pa kaya ang anim na iluluwal mo sa isang araw?

Kahanga hanga ang isang babae sa Texas na nag set ng record matapos manganak ng anim na sanggol sa loob lamang ng siyam na minuto. Iba ang sakr1pisyo at mapapa wow ka nalang talaga sa kanya.

Siya ay si Thelma Chiaka na nanganak ng apat na lalaki at dalawang babae. Ayon sa isang press release na inilabas ng the Woman’s Hospital of Texas, nanganak si Thelma sa pagitan ng 4:50 and 4:59 ng madaling araw.

Malusog naman ang mga anim na sanggol na ito at siyempre masayang masaya ang kanilang pamilya dahil maging ang ina ay malusog din. Samanatala, nasa advance neonatal intensive care unit pa ang mga bata.

Mula 1 pound, 12 ounces, to 2 pounds, 14 ounces ang timbang ng mga bata na napakalusog.

Ayon naman sa Yahoo, 1 in 4.7 billion ang tsansa na ikaw ay manganganak ng anim na bata ng sabay sabay o tinatawag ding sextuplets. Hindi ba’t hindi talaga ito pangkaraniwan?

Samantala, inilabas naman ng KTRK TV na pinangalanan na niya ang kanyang dalawang anak na babae na sina Zina at Zuriel habang wala pang pangalan ang mga lalaki.

Source: Yahoo