Philippine DotA 2 team, Php26M ang napanalunan sa World Electronic Sports Game

Kung online games ang pag-uusapan, talaga namang nangunguna ang mga Pinoy sa pagkahumaling sa paglalaro nito. Maraming mga kabataan ang ginugugol ang kanilang mga oras ang paglalaro ng online games katulad ng Dota, Mobile Legends at ang iba pang mga nauusong laro.

Kung titignan, halos sa mga tao ngayon lalo na ng mga magulang ay hindi maganda ang nakikita nilang epekto ng online games sa kanilang mga anak. Ang iba’y napapabayaan ang kanilang pag-aaral, habang ang iba’y hindi na kumakain dahil sa labis na paglalaro.

Pero iba ang pimatunayan ng mga grupo ng Pinoy na ito. Hindi pagkalulong ang ibinigay ng online gaming sa kanila kundi karangalan sa kanila at sa ating bansa ang dinala nila sa atin matapos masungkit ng Philippine Dota 2 team TNC ang kampeonato sa World Electronic Sports Games (WESG) 2018’s Dota 2 tournament noong nakaraang Linggo, March 10 sa Chongqing, China.

Source: Virtual Pinoy

Binubuo nila Timothy Randrup, Armel Paul Tabios, Kim Villafuerte Santos, Nico Barcelon, and Marc Polo Luis Fausto ang TNC na talaga namang napakagaling sa paglalaro.

Si Marc ag nagsilbing Team Captain na namuno sa grupo bilang kapalit ni Kuku Palad. Hindi nakapaglaro si Kuku na team captain sana ng team dahil siya ay naka b@nned sa China dahil sa racial 1nsult issue sa isang Chinese player noong 2018.

Siyempre, hindi lamang karangalan ang nakuha nila kundi nagkamit din sila na premyo na nagkakahalaga ng $500,000 o humigit kumulang na 26,350,000 pesos.

“It is known that our group had encountered challenges outside the game way back last year, and we are thankful for those who stuck with us through thick and thin,” saad ng kanilang Facebook post ng team.

Source: Virtual Pinoy

Pero siyempre, pinaghirapan din naman talaga nila ang tagumpay na ito. Undefeated sila matapos nilang talunin ang Brazil’s Team Canarinho sa first round, Russia’s White-Off sa semi-finals round. Hanggang sa makatapat nila ang Keen Gaming na isang Chinese Team sa championship round. Nakapag uwi naman ang Chinese team na ito $200,000 at nagsilbing runner-up.

Hindi na rin naman bago ito sa koponan na ito dahil noong 2016 ay nasungkit na nila ang kampeonato habang noong 2017 ay hindi muna sila sumali sa laro.

Makikita dito kung gaano nga ba talaga kagaling at kagilas ang mga Pinoy. Sa larangan ng pampalakasan mapa online man o hindi, makikita naman ang sigasig at angking galing ng Pinoy sa paglalaro.

Hindi man maganda ang tingin ng ibang tao sa online games, magiging mabuti naman ito kung gagamitin sa tamang paraan.

Source: Virtual Pinoy