Batang nag-uulam ng toyo at mantika, umani ng paghanga mula sa mga Netizens dahil sa pagtitiyaga nito sa buhay

Kung gusto mo nga namang magtagumpay sa buhay, marami ka munang dadaanang hirap na magpapatatagtag sayo para maabot mo ang rurok ng tagumpay.

Kagaya na lamang ng post ng isang netizen na si Jennifer Baghari Paje na ibinahagi ang kwento ng isang bata na kumakain sa ilalim ng puno. Makikita sa post na ang tanging kinakain ng batang ito ay kanin na may suka at toyo lamang.

Jennifer Baghari Paje Facebook

Ang bata ay isang Grade 5 student na nag-aaral sa San Mateo Elementary School Tungao Butuan City. Kung titignan, mag-isa lamang ang bata na kumakain dahil nagtatago siya sa mga kaklase niya.

Pinost ito ni Jennifer dahil gusto nito na matulungan ang bata at naka relate din ang netizen at tila nakita niya ang sarili niya sa kanya. Maging ang mga kapatid niya ay naranasan ito kaya naman alam niya ang pakiramdam ng sitwasyon na ito.

Jennifer Baghari Paje Facebook

“…mag aral lang talaga ng mabuti kahit gaano kahirap ang buhay , balang araw masasarap na ang pagkain mo nak 😘 Basta MAHIRAP WALANG SUSUKUAN sa laban at hamon Buhay Darating ang panahon na hindi na yan ang ulam mo magiging sangkap na yan SA ADOBONG BABOY, MANOK , LECHON at kahit anong ulam na gusto mo 🙂 🙏😇😇😇 May God shower you more Blessings to come nak 🙂 makakaraos ka rin laban lang 😘😘😘😘😘😘

Patuloy namang umaasa ang netizen na kakalat ang post na ito at marami ang magnanais na tulungan siya.

Kaya naman, maging ang ibang netizen ay nagbahagi ng kanilang mga kwento na nakarelate sa bata:

“Isa ako sa nakaranas niyan nung nagaaral pa ako ng high school kamamatay palang ng tatay ko nun at ang nanay ko naman at may sakit ,kaya kahit anu na lang ay iniuulam ko may maibili lang ng gamot ang nanay ko at ng kanyang pagkain para lang gumaling sya at lumakas”

“D dapat ikahiya kng san nggaling kc yang yong magiging motivation mo pra mgsikap….nransan dn nmin yan ng panahon….be proud na dyn ka galing o ganyan ang buhay natin ngaun kc khit san tyo mapadpad kya nating mabuhay khit wlang msarap n pagkain”

“masarap yan pero ang mga ibang bata kasi imbes na magshare kukutyain lang kaya naiintindihan ko sya naranasan ko na dati yan kaya alam ko kung anu ang feelings nya
kaya go lang wag susuko kaya yan pagsubok lang yan ok”

Jennifer Baghari Paje Facebook

“Pinagdaanan q dn yan,, kya feel kita anak,,, kme noon sa dahon ng saging pa nakabalot Ung baon namin he, pisong toyo at pisong mantika ulam namon mgkakapatid,, ayos na, parang adobo na ulam namin,,”

“Napagdaanan ko din yan.dalawa kmi ng kaklaze ko.nagulat ung tropa nmin kc bigla kmi di sumabay sa pagkain.umakyat kmi sa puno ng mangga.don kmi kumain para di makita ulam namin na bagoong isda.sarap kimain tapis nsa puno ka pa ng mangga.Awa ng Dyos nkaraos nman kmi.God Bless .may patutunguhan ka.aral k lng mabuti ok.”

Source: Jennifer Baghari Paje Facebook