Bahay na sobrang liit, patok sa mga Netizens dahil sa galing ng disenyo nito

Isa nga naman sa mga number one investment ngayon ay ang pagbili ng lupa at pagpapatayo ng bahay. Iba nga naman ang may sariling lupa at bahay, mas malaya ka sa mga bagay na gusto mong gawin at syempre secured na rin ang future mo dahil may sarili kang bahay.

Lalo na ngayon sa Pilipinas, na lumobo na ang mga real estate businesses dahil na rin sa demand ng mga bumibili ng bahay at nag iinvest dito. Pero paano kaya kung kasama sa mga choices mo ang pagkakaroon ng maliit na bahay?

Source: Sulit de-senyo Facebook


Kumakalat ngayon sa social media ang bagong trend ng bahay na tinaguriang “tiny house”. Bukod sa pagiging budget friendly
ng mga gastusin nito, napakaliit din ng maintenance nito at madali lang linisin.

Source: Sulit de-senyo Facebook


Ibinahagi ng Facebook Page na Sulit de-senyo ang larawan ng “tiny house” na ito na may caption na:

“Maliit lang po lupa ko kaya maliit lang din pinagawa ko” ok lang yan maganda naman, ‘di ba.”

Source: Sulit de-senyo Facebook


Mayroong isang pinto sa harap ang bahay na ito at tila isang makitid na daan kung titignan. Kahanga-hanga pa na mayroong second floor pa pala ang bahay na ito sa itaas na may mas maraming espasyo pang pwedeng gamitin ang may-ari. Tila napakaliit ng bahay pero mahaba ang floor area nito kung titignan mo sa side view.

Source: Sulit de-senyo Facebook


Samantala, umabot naman sa halos 2,800 reactions ang post na ito at 1,700 comments. Ilan sa mga komentong ito ay ang mga sumusunod na komento mula sa mga netizens:

“Parang ang h1rap huminga walang hangin na pumapasok hahah ang liit ng space, san ilalagay mga table mga ref etc..? pero ok naman cute sya.😁😁😁 kaya lang kong me gusto ka bilhin like sofa. maliit ang space hehe”

Source: Sulit de-senyo Facebook


“In order to maximize right of way as your owned front garage.=)=)=) practical ang great idea to totally own your right of way.”

“Okey na e..pero dapat hindi nilagyan ng tiles yung pader..mukhang cr na may hagdan tuloy”

“I love the style lalo kung yong lupa mo ganyan lang kaliit . ok na yan kaysa nangungupahan 🙂

“Mas ok na yan….maliit man pero masinop at malinis…kesa naman sa wala kang sarili….yung iba nagtitiis sa sa squater pag m1nalas malas pa napa palayas pa!”

“ang galing parang container house lang! tama yan! tipid na may bahay ka pa.. di namn kailangan ng malaking bahay e.. basta may kakainin ang pamilya at may naka handang gastusin pag kailangan😇😊 i commend you!”