Matandang Lalake na nakatira lamang sa maliit na kahon na gawa sa kahoy, umani ng Simpatya mula sa mga Netizens

Ang social media ang naging bagong trend na ngayon sa pagpapakalat ng iba’t ibang bagay lalo na ng mga taong nakakaawa na kailangang tulungan.

Kagaya na lamang ng netizen na si Xylenejoy Siarot na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng isang matandang lalaki na nakatira sa isang maliit na kahon na gawa sa kahoy. Gawa ang bahay sa plywood na nagsilbing pader nito at mga sako sa harap na parang pantakip niya.

Source: Xylenejoy Siarot Facebook

Sa larawan, nasa halos kasing lapad lang ito ng isang buong illustration board. Saktong-sakto lamang ang haba nito para makahiga at matulog. Iisipin mo nga namang napakahirap tumira at mabuhay dito.

Source: Xylenejoy Siarot Facebook

Makikita ang munting bahay na ito ng di napapangalanang matandang lalaki na nasa gilid ng daan sa Baranggay Tominobo, Baryo Tabay #2, Iligan City.

May mga netizens naman na nagsabi ng kanilang kagustuhang tumulong sa matanda at ang iba ay binabanggit pa ang TV show na Kapuso Mo Jessica Soho para matulungan siya.

Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizens ukol dito:

“Nd nmn n kelngan i share nyo p buhay at kung ano png isisi ibato s tao walang tao ang gusto mgkaganon ang buhay, kung wala nmn kyo msabi mganda at wag n ninyo ikuwento buhay ignorin rin nyo n lng kung ano mkita nyo s post”

Source: Xylenejoy Siarot Facebook

“Hindi natin alam Ang pinagdadaanan ni tatay wag puro husga kung mayron kayong itutulong tumulong nlang pwede matanda na sya wala nman tayong alam dyan eh kaya intindihin nyo nlang kalagayan nya sa ngayon ok…maqa pag comment kc Ang iba wagas bakit alam nyo ba Ang punot dulo ni ng matanda gdbless tatay sana matulungan po kayo😢😢😢

“Kng gusto ntin tulongan ang atin kapuwa na gaya ni tatay gawain.ntin wag na tau magsalita.kita nman din.ang situation tulongan ntin cia ng tahimik at wag na ntin ang ipagkuento dyos na lng ang bahala sa mga matulongin sa kapuwa sabi nang dyos kng ano ang ginawa mo sa kapuwa mo parang ginawa sa akin amen”

“Matulungan sana siya, yan yung post, kung sinu makakatulong, or gusto tumulong, tumulong. Walang nanghihingi ng judgement or ng kung anu pa man. Kung walang magandang masasabi o walang matutulong, you can just skip this post, and move on. Pati sa post na about sa matanda meron padin bida bida 😒

“I will pray Po. Napakalayu ko po. Xaka mahirap lang din po ako tatay. Pero pag nanduyan ako. Tutulong parin po aako sa abot ng aking makakaya. D ka po magugutom … Godbless you tay..”