Anak ng isang Palabok Vendor sa Tondo, magtatapos bilang Valedictorian sa PNPA

Nakilala nga naman ang Tondo sa pagkakaroon ng mahirap na buhay. Sabi nga ng ating very own Miss Universe Catriona Gray, “the life is very poor and very sad”.

Pero kahit pa mahirap ang buhay mayroon pa ring mga kabataan na nangangarap at talaga namang nagtatagumpay sa kanilang piniling karera sa buhay.

Source: Jervis Allen Facebook


Kagaya na lamang ng isa sa mga nag top sa criminology board exam noon at ang Top Honor Graduate ng Philippine National Police Academy sa taong ito na si Cadet Jervis Allen Ramos. Naranasan nya din talaga ang hirap ng buhay na ito pero hindi ito naging hadlang para siya ay magtagumpay.

Ang kanyang amang jeepney driver ay  nawala dahil sa s@kit sa atay noong siya ay 13 years old. Samantala, ang kanyang ina ay kumakayod sa pagbebenta ng pansit at palabok.


Wala din silang sariling bahay at nag rerenta lamang sa maliit na bahay pero kahit gaano kahirap ang buhay at punong puno ng bisyo, hindi niya hinayaan ang mga bagay na ito na pigilan siya sa pag abot ng kanyang mga pangarap.

“When I was young, he (his father) encouraged me to join the police. Maybe he wanted to pass on his dream to me,” sambit ni Ramos.

Kaya naman, nakapagtapos si Ramos ng criminology sa Universidad de Manila. Noong October 2014, hindi lamang siya pumasa kundi nag top three pa sa Board Exam. Ngayon, maging sa PNPA ay bumida at nanguna din si Ramos. Iba nga naman ang kagalingan nito.

Kasama ang 200 na miyembro, magtatapos si Ramos sa PNPA sa March 22 sa Silang, Cavite. Siya ay miyembro ng Sansiklab Class o Sandigan ng Mamamayan na may Sigasig na Itaguyod ang Kapayapaan at Ipaglaban ang Bayan.

Sa kabilang banda, karakter at serbisyo publiko ang dapat manguna na gustong maging ehemplo ni Ramos sa Philippine National Police.