Batang di mapigil ang pag-iyak dahil sa pag-alis ng kanyang Yaya na Pinay, nagpa-iyak din sa maraming Netizens

Tinuturing na nga na parang tunay na kapamilya at kadugo ang mga kasambahay na napakasipag at maalaga sa pamilyang kanilang pinagsisilbihan. Lalo na ang mga OFW na Domestic Helper na mga Pinoy sa ibang bansa.

Kilala ang mga Pinoy DH sa ibang bansa bilang maaruga at maalaga kaya talagang gustong gusto sila ng kanilang mga amo at napapalapit at napapamahal na sila sa mga kasambahay nila.

Source: Kuching Talk Facebook

Kagaya na lamang ng kumalat na video na ito ng isang Pinay na napag alamang DH na nagpapaalam na sa kaniyang alagang bata at amo sa airport.

Source: Kuching Talk Facebook

Makikita na umiiyak silang tatlo maging ang nanay ng bata na kanyang amo. Nakakadurog nga naman ito ng puso pero makikita mo talaga kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.

Naka relate naman ng todo ang mga netizens at ibinahagi din nila ang kanilang personal na karanasan dito.

“Ganoon din amo ko noon at ung alagako panay ang iyak….12yrs.ako sa kanila…after 15years pinag tour ako para tignan ung mgs alaga ko noon.sobrang saya ko nakita ulit sila.for me they are the very best employer.”

Source: Kuching Talk Facebook

“Hindi pa ako naalis sa amo umiiyak na ako , ng alaagaan ko anak ng amo ko 5 years old ngayun 32 na sya at isa na siyang ganap na Lawyer , sa akin sya lumaki at ako mismo nagpalaki , May anak ako mas matagal pa inilagi ko sa kanya kaysa sarili kong anak 😭😭😭

Source: Kuching Talk Facebook

“sana lahat ng employer katulad ng amo. ni ate na kasambahay dahil tapos na kontrata nya at xa ay uuwe ng pinas sa pamilya nya GOD…BLESS…po sa lahat mg employer na mabait at tapat sa kasambahay nilang pilipino. amen…”

Source: Kuching Talk Facebook

“Juskoo ganito mangyayari pag uuwi na ko ngaung December.. Tuinuring nila akung kapamilya at yung alaga ko kahit tupakin mahal ako at umiyak pagsasabihin ko na uuwi ako ng pinas nakakadurug lng ng pusoΒ πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ’”πŸ’”πŸ’”πŸ’”

“I remembered may alaga din gannyan na tumulo ng tumulo ang luha habang akoy papaalis sa kanilang bahay ang sakit sa dibdib ko na pati amo kong babae umiiyak din…missed them so much…”

Source: Kami