Loisa Andalio, sobrang saya sa naipundar nyang bagong bahay upang ‘di na makitira sa iba’

Tagumpay nga namang masasabi ang makapagpatayo ka ng inyong sariling bahay.
Isa ito sa mga magsisilbing patunay na naaabot mo na ang iyong mga pangarap at nasa rurok ka na ng tagumpay.

Gaya na lamang ng binansagang “Darling of Paranaque” na nangarap lamang at pumasok sa bahay ni Kuya sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother. Siya ay walang iba kundi si Loisa Andalio.


Kung dati ay nakikitira lamang sila, ngayon ay nakapagpatayo na siya ng sarili nilang bahay. Ayon kay Loisa, prayoridad niya ang pagkakaroon ng sariling bahay dahil sa katagalan ng panahon ay nakikitira lamang sila.

“Trabaho pa loisa, para matapos na ☺️🏠
After 20years na nakikitira lang kami, natupad din yung pangarap ko magkaroon kami ng sariling bahay, yung matatawag namin na bahay talaga namin. Thank you Lord!” saad ni Loisa sa kanyang IG post.


Kaya naman, paniguradong masayang-masaya si Loisa at ang kanyang pamilya dito. Maging kasamahan ni Loisa sa showbiz ay nagpaabot din ng mensahe gaya na lamang nila Angel Locsin, Coney Reyes, Daniel Matsunaga, Vina Morales.

“Kapit lang anak! Laban hanggat kaya! Pero wag patayin ang sarili sa pagod.” iyan naman ang mensahe ni Vice Ganda sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

🖤

A post shared by Loisa, 19. (@iamandalioloisa) on


Maging mga netizens ay masayang-masaya para kay Loisa.

“yan po ang bunga ng iyong sakripisyo at pag tiyaga mu sa laban ng buhay. maganda iyng panimula mu saiyong pamilya bebe 😜….”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa, 19. (@iamandalioloisa) on


“So, pede po kami naman makikitira. Joke! Loveyou @iamandalioloisa so happy for all the blessings na natatanggap mo. Keep on goin’ 🌸💋

“Nakakaproud ka Loisaa 😍😍😍 Pagpatuloy lang po ang pagsisikap mo. Godbless. Wag mo biglain ang katawan baka magkasakit ka. Iloveyouuu po”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa, 19. (@iamandalioloisa) on


“Buti ka pa te loisa meron na kami more than 20 years wala pa din NPA parin kami god bless po🙏👍💋

“Galing nyo po bata p kau pero una nyo naisip house for security,for d future n nkita nyo po pinaghirapan nyo.”